Juris
Ika’y Babalik Pa Ba
[Verse 1]
Nagkamali ako
Nagkamali tayo
Pagmamahal na dapat sa ati’y
Naglaho
Nagmahal ka ng iba
Habang ako'y nandito pa
Pinilit kong tinago
Katotohanang wala ka na

[Pre-Chorus]
Minsa’y nais nang bumitaw
Pintig ng aking puso
Magmahal na ng iba

[Chorus]
Ika'y babalik pa ba?
Puso'y nag-iisa
Laging nangungulila
Ngayon ako'y nangangamba
Kung sakaling bumalik ka
May mahal na akong iba
Kaya nais kong malaman
Ika'y babalik pa ba?

[Verse 2]
Naghihintay ako
Sa araw ng pagbabalik mo
Ikaw ay yayakapin
At sasabihing ako'y sa'yo
[Pre-Chorus]
Ngunit sa’king paghihintay
Bulong ng aking puso
Magmahal na ng iba

[Chorus]
Ika'y babalik pa ba?
Puso'y nag-iisa
Laging nangungulila
Ngayon ako'y nangangamba
Kung sakaling bumalik ka
May mahal na akong iba
Kaya nais kong malaman
Ika'y babalik pa ba?

[Guitar Solo]

[Chorus]
Ika'y babalik pa ba?
Puso'y nag-iisa
Laging nangungulila
Ngayon ako'y nangangamba
Kung sakaling bumalik ka
May mahal na akong iba

[Outro]
Kaya nais kong sabihin
Ikaw ay bumalik na