Julie Anne San Jose
Nobela
[Verse 1]
Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan, paminsan-minsan
Bawat sandali na lang
Tulad mo ba akong nahihirapan
Lalo't naiisip ka?
'Di ko na kaya pa na kalimutan
Bawat sandali na lang

[Chorus]
At aalis, magbabalik at uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin kahit muling masaktan
Sa pag-alis, ako'y magbabalik
At sana naman

[Verse 2]
Sa isang marikit na alaala'y pangitaing kay ganda
Sana nga'y pagbigyan na ng tadhana
Bawat sandali na lang
Sumabay sa biglang pagkabahala't
Lumabis ang pagtataka
Tunay na pagsintang 'di alintana
Bawat sandali na lang

[Chorus]
At aalis, magbabalik at uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin kahit muling masaktan
Sa pag-alis, ako'y magbabalik
At sana naman
[Instrumental Bridge]

[Breakdown]
Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit na sinasadya
Mo akong masaktan, paminsan-minsan
Bawat sandali na lang

[Chorus]
At aalis, magbabalik at uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin kahit muling masaktan
Sa pag-alis, ako'y magbabalik
At sana naman