Julie Anne San Jose
Naririnig Mo Ba
[Verse 1]
Parang kailan lang ay labis na akong nasaktan
Pinilit makalimutan ang nakaraan
At maghilom ang pusong sugatan
Nang ika'y dumating
Paglipas ng araw ay kasabay ng hangin

[Pre-Chorus]
Naglalaro sa isip, susubukan na lang
Ang sarili na muling magmahal

[Chorus]
Ang tanging hiling ay 'yong mapansin
Itong pagtingin at damdamin sana'y tanggapin
Hinahanap-hanap ng aking pusong ligaw
Ang pagmamahal na tunay at karapat-dapat
Pwede bang ikaw na lang ang papawi sa mga luha?
Marahil nga ikaw ang tibok ng puso
Naririnig mo ba?

[Verse 2]
Hayaan na bigyan
Ng kulay ang bawat patlang
At sa pagguhit ng tadhana
'Di alam sa'n mapupunta
[Pre-Chorus]
Naglalaro sa isip, susubukan na lang
Ang sarili na muling magmahal

[Chorus]
Ang tanging hiling ay 'yong mapansin
Itong pagtingin at damdamin sana'y tanggapin
Hinahanap-hanap ng aking pusong ligaw
Ang pagmamahal na tunay at karapat-dapat
Pwede bang ikaw na lang ang papawi sa mga luha
Marahil nga ikaw ang tibok ng puso
Naririnig mo ba?

[Instrumental Bridge]