Hotdog
Pers Lab II
[Verse 1]
Sana'y maganda ako
Baka sakaling ako'y ibigin mo
Ang masama ay nang magpasabog ang Diyos ng kagandahan
Naubusan yata ako

[Verse 2]
Sana ako'y iyong dinggin
Ang kagandahan ay aalis, lilipas din
Ang kamalasa'y nang magpasabog ang Diyos ng kagandahan
Naubusan yata ako

[Bridge]
'Di maiwasan ang gayuma mo
'Di ko mabilang ang patay sa 'yo
At kung ikaw ay 'di mapapasaakin
Buti pa yatang mamatay

[Outro]
Sana'y maganda ako
Ito lang ang tanging pangarap ko
Para 'di na kailangan, 'di na kailangan
Gawan pa ng kanta ang sama ng loob ko
Sana'y maganda ako