Munimuni
Bakunawa
[Intro]
Sinusubukan na naman
Ni Bakunawang kainin ang buwan
Unti-unting dumidilim

[Verse 1]
Nauubusan na naman
Na panggatong sa apoy, o kailan
Kaya magliliyab muli
Ang pusong matagal nang nanlalamig?
Oooh

[Refrain 1]
Isip na matagal nang nananaginip
Kamalayan
Nawa'y dagli ka nang bumalik

[Verse 2]
Nakalimutan na naman
Mga pangakong pinanghahawakan
Tinahak ang kalawakan
Kinakailanga'y 'di natagpuan
Oooh

[Refrain 2]
Pusong matagal nang umaapaw
Nauubasan na't
Ngayo'y nauuhaw
[Outro]
Balang araw iluluwa rin ang buwan
Babalik ang liwanag ng nakaraan
Woahh
Ohh