Munimuni
Simula
[Verse 1]
Nanirahan ang gabi
Sa iyong kwarto
Sa iyong kwarto
Sa iyong puso
Nakatulog na sa kadiliman
Inuugoy pa
Inuugoy pa ng katahimikan

[Pre-Chorus]
Sabihin mo sa'kin
Kailan ako maaaring umiyak
Hindi tayo ayos ngayon
Makulimlim na ang panahon
Umasa na lang tayo
Matatapos din ang bagyo

[Chorus]
Darating ang araw na
Kakalimutan din natin
Ang lahat
Tatawanan din natin
Ang lahat
Ohh

[Verse 2]
Sinusubukan punuin
Ang sarili
Ang sarili
Makasarili
[Pre-Chorus]
Sabihin mo sa'kin
Ano na ba ang narating
Nagugulumihanan
Hindi kaya ng boses mo
Punuin ang lahat ng ito
Subukan na lang natin
Hintayin ang awit ng Diyos

[Chorus]
Darating ang araw na
Kakalimutan din natin
Ang lahat
Tatawanan din natin
Ang lahat
Ohh...

[Bridge]
Walang galamay ang kahapon
Walang galamay ang kahapon
Walang galamay ang kahapon
Walang galamay ang kahapon
Walang galamay ang kahapon
Walang galamay ang kahapon

[Chorus]
Darating ang araw na
Kakalimutan din natin
Ang lahat
Tatawanan din natin
Ang lahat
Ohh...