Apekz
Blue Dreams
[Chorus: Sica]
360 panorama, kitang-kita ko 'yung view
Inabot sa'kin ni Putch 'yung alak
Napalingon siya dahil sa perfume
'Yung hikaw ko, blue 'yung stone
Oh, baby, you know, what we on, on, on

[Verse 1: Apekz]
Yah
Masyadong gigil noon, ngayon naglalayag ng swabeng-swabe lang, uh
Mapusok man ako dati, nangyari na'ng dapat mangyari kaya 'di bale na
Aabante lang puro atake lang, pwede na balik-balikan, may oras para artehan
Habang nagsusulat tahi-tahi ang dahilan
Piliting bigyan ng pagkaing 'di niya pa natitikman
Papuntahin sa tourist spot na 'di niya pa natitignan
Saka ko siya pagmamasdan sa gilid at tahimik na sumisimple
Nangarap ako noon kasi nga libre
Sa barko, nag-aabang tuwing a-kinse
Ngayon binabayaran na 'ko ng triple
Anong gusto? Sagot sa dulo ng daliri
Sana kumpleto na kapag naging haligi, yeah, yeah

[Chorus: Sica]
360 panorama, kitang-kita ko 'yung view
Inabot sa'kin ni Putch 'yung alak
Napalingon siya dahil sa perfume
'Yung hikaw ko, blue 'yung stone
Oh, baby, you know, what we on, on, on
[Verse 2: Sica]
Sunset tanaw ko mula sa Roxas, inabutan niya 'ko ng rosas
Sinusulit bago pa ako ma-todas, ogag, buti na lang, 'di ako na-olat
It's all love ako pa rin 'to kahit iba na 'yung dating ko sa paningin mo
Daming poknat iba kulit ko, laging oblak, walang ginto
Pero kumikinang-inanginamo
Ten toes down, balang araw Bugatti
Word to my mans, Gaspari
Numbers don't lie, you can check my Spoti–
Pero tahimik lang 'yung bata lagi
Isa para sa mga nawala sa'kin
Daming kasalanan, sana patawarin
Pero sa ngayon 'eto na 'yung akin
Meron o wala man, palaging Amen, Amen

[Verse 3: Apekz]
Tapos na sa pagpapatunay ng talento at husay
Konting laro sa salita, pampatanggal ng umay
Gusto nila naglalabas ng pangil pati sungay
Gusto ko lang maglabas ng kanta sa aking buhay
O 'di kaya konsepto na mala-pelikula
'Yung lugar na pelikula, Manila Peninsula
Nakalista na, pa'no ba sisimulan 'yung huli ay hindi ko pa
Ah, naisip ko na, tanggal, edit, puna, palit, ekis bura
Sa akin lang muna lihim sa kanino man
Kung may tatanggapin o ipon ito'y nandito lang
Nasala na kaya ang daanan ay maluwag
Nagsilitawan ang oportonista at huwad
Nagpuyat nang nagpuyat para pangarap matupad
Para bandang huli, may karapatan na shumot, yeah, uh
[Chorus: Sica]
360 panorama, kitang-kita ko 'yung view
Inabot sa'kin ni Putch 'yung alak
Napalingon siya dahil sa perfume
'Yung hikaw ko, blue 'yung stone
Oh, baby, you know, what we on, on, on

[Outro: Apekz]
Regalo nga ba 'to baka sumpa?
Angkas sa alon sa'n man mapunta
Sa pag-angat ko, buti nando'n ka
Kasama ka ngayon sa pagtungga
Regalo nga ba 'to baka sumpa?
Angkas sa alon sa'n man mapunta
Sa pag-angat ko, buti nando'n ka
Kasama ka ngayon sa pagtungga, yeah