Steven Curtis Chapman
Ako’y Narito
[Verse 1]
Sakaling 'di mo masilayan ang ganda ng umaga
Makaaasa ka, ako'y narito
Sa alinlangan at pagsubok na iyong nadarama
Makaaasa ka, ako'y narito

[Chorus]
Ako'y narito, kung kailangan mo'ng karamay
Ng isang kaibigang tunay aalalay
Ako'y narito sa pagdurusa ma't kabiguan
Tagumpay ma't kaginhawaan, maaasahan
Ako'y narito

[Verse 2]
Sakaling 'di man maglilinaw ang kinabukasan mo
Maaasahan mo, ako'y narito (Ako'y narito)
At sa paglipat-lipat ng panahon
Ay tiyak ang pagbabago
Maaasahan mo, ako'y narito

[Chorus]
Ako'y narito, ikaw ay aking kakalingain
Kahit kailan man abutin, iibigin
Ako'y narito, aarugain ka sa tuwina
Kahit sa pagtanda'y kasama tayong dalawa
[Bridge]
Magtatapat sa pangakong binitiwan
Sa iyo at sa Kanyang nagtakda sa atin

[Verse 2]
(Sakaling 'di man maglilinaw ang kinabukasan mo)
Maaasahan mo ako'y narito (Ako'y narito)
At sa paglipat-lipat ng panahon
Ay tiyak ang pagbabago

[Outro]
Maaasahan mo, magtatapat ako
Ito ang pangako, woah, oh
Ako'y narito