Oddisee
Siklo
Sa pagsulyap sayong mata tila alam ko na ang kwento
Matagal ka na palang naghahanap ng rerespeto
Sayong pagkatao alam ko ang pakiramdam
Mahirap maghanap ng taong may tiwala at anjan
Palagi sayong tabi, hindi nagmamadali
Kahit anong bigat ng 'yong pasan ay di humihindi
Na ikaw ay pakinggan sa gitna ng kalasingan
At di ka iiwanan kahit palaging tag-ulan
Ang panahon sa ngayon di mo malaman kung ano
Uulan ba o hindi? Parang palagi lang ganun
Ang nangyayare, di mawari kung saya ba o lungkot
Ang aking nadarama alam mo ba ang kasunod
Na kapalaran ng mundo kahit laging nagpapahula?
Bumagsak ka na noon kaya ngayon ay nakakuha
Ng mga aral kahit na wala ka sa paaralan
Paikot lamang ang buhay
Yan ang lagi mong tandaan, uhh!

Hook:
Paikot lamang ang buhay at palagi Siyang anjan
Uhh!
Paikot lamang ang buhay yan ang laging tandaan, ugh!

Nakasindi nanaman...

Nakasindi nanaman ng Marlboro na pula
Pagod nako na mag-isip kelangan kong magpahinga
Odabas na bukas, bilis naman ng oras
Hindi ko namalayan mga araw na lumipas
Sandakot na barya galing sa alkansya
Pinuno ko ang bulsa ngunit mukhang kulang pa
Ang aking nalalaman sa mundong iniikutan
Kelangan pang husayan sa sugal ng kapalaran
Ikaw ang direktor ng sarili mong pelikula
Ikaw din ang aktor kaya sana gawin mong tama ang --
Iyong mga mali ay pwede mong isantabi
HINDI KA MAGKAKATAMA KUNG DI KA NAGKAKAMALI!
Uhh!
Hook:
Paikot lamang ang buhay at palagi Siyang anjan
Uhh!
Paikot lamang ang buhay yan ang laging tandaan, uhh!

Sinag ng araw sa bintana, bago nanamang umaga
Ligpit ng kama, ngiti ko abot na sa tenga
Uhh!
San ka ba galing kanina?
Ewan ko din
Tila palaging masaya?
Diba dapat ganun ka din?
Hindi na bago sa aking mapagkamalan na sabog
(BOGSAAAA...)
Umendis man o hindi ganun padin laging kalog
Gusto ko lang namang gawin na masaya ang malungkot
Nakaabot nako sa dulo at sawa nang magmukmok
HAHA!
Tawa nalang...
Sulat nalang..
Kung papa apekto ka, naku pare talo ka lang
Diba?
Wag kang matakot na muling masugatan
Sa katunayan
WALA KA NANG DAPAT PANG PATUNAYAN, UHHH!
Hook:
Paikot lamang ang buhay at palagi Siyang anjan
Uhh!
Paikot lamang ang buhay yan ang laging tandaan, ugh!