Moira Dela Torre
Ipanalo Natin ’To
[Verse 1]
Lagi ka na lang nakatindig
Lagi ka na lang tumitindig para sa amin
Lagi ka na lang nakatayo
Lagi ka na lang tumatayo para sa amin

[Pre-Chorus]
Panahon na para umupo ka
Panahon na para sa pag-asa

[Chorus]
Ang karapat-dapat umupo
Iyong tulad mong tumatayo
Hinding-hindi tumatalikod
At umiiwas sa tanong
Iyong walang tinatagong
Nakaw na yaman at ginto
Kaya lalaban tayo
Ipapanalo natin 'to
Ipapanalo natin 'to

[Verse 2]
At dahil lagi kang nakatindig
Laging umiiral pag-ibig mo para sa'min
Kahit na napapagod sa pagtayo
Pinapakita mong para sa'min hinding hindi susuko
[Pre-Chorus]
Panahon na para sa pag-asa
Sana alam mong 'di ka nag-iisa

[Chorus]
Ang karapat-dapat umupo
Iyong tulad mong tumatayo
Hinding-hindi tumatalikod
At umiiwas sa tanong
Iyong walang tinatagong
Nakaw na yaman at ginto
Kaya lalaban tayo
Ipapanalo natin 'to
Ipapanalo natin 'to

[Outro]
Mula noon hanggang ngayon
Nakayapak man o takong
Tumatayo sa magdamag at maghapon
Sa hirap man o ginhawa
Hinding hindi mag-iisa
Angat buhay lahat sa'yo
Kulay rosas ang bansa sa'yo
At sama-sama tayo
Kaya lalaban tayo
Ipapanalo natin 'to
Ipapanalo natin 'to
Ipapanalo natin 'to