Moira Dela Torre
E.D.S.A. - Emosyong Dinaan Sa Awit (Halfway Point)
[Verse 1]
O, kay tagal na
Kong nag-aantay
Kahit malayo
Na ang nilakbay

[Pre-Chorus]
Nandirito parin ako hanggang ngayon
Bitag ng lahat ng emosyon
Paano nga ba kumawala?

[Chorus]
Paano lumaban kung suko ka na?
Paano umibig kung ayaw mo na?
Ika'y nanatili sa aking tabi
At pinaalala mo saaking
Nandito ka parin

[Verse 2]
Nakipaglaban
Sa bawat hakbang
Nagpapanggap na
Ako'y matapang

[Pre-Chorus]
Naalala ang mga nakaraan
Lahat ng mga natalong laban
Ang pagsisisi, tinanggal (Mo) sa huli
[Chorus]
Paano lumaban kung suko ka na?
Paano umibig kung ayaw mo na?
Ika'y nanatili sa aking tabi
At pinaalala mo saaking
Nandito ka parin

[Bridge]
At kahit maling nadaanan
Hindi mo iniwan
At ako'y pinaglaban
Lahat man ay naglaho
Tinupad ang pangakong
Hinding hindi ka magbabago

[Chorus]
Mahirap lumaban pag suko ka na
Ako'y 'yong inibig kahit nasaktan kita
Ikay'y nanatili sa aking tabi at
Pinaalala mo sa akin
Ako'y sa'yo parin