Moira Dela Torre
Ikaw Parin (Halfway Point)
[Verse 1]
Alam kong ako yung lumayo
Walang karapatang magreklamo
Ngunit bumabalik pa rin
Ang nakaraang parang kahapon

[Pre-Chorus]
Paumanhin
'Di ko sinadya
Na lumisan na lang

[Chorus]
Kung papayagan mong tayo'y bumalik
Sa huling tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
"Pagtapos ng lahat, ikaw pa rin
Lumisan ang lahat, ikaw pa rin"

[Verse 2]
Alam kong nagkulang sa iyo
Sana patawarin kung natakot
Paano magpakalayo
Kung ang pag-ibig ko'y 'di maitago

[Pre-Chorus]
Paumanhin
'Di ko magawang
Kalimutan na nalang
[Chorus]
Kung papayagan mong tayo'y bumalik
Sa huling tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
Pagtapos ng lahat, ikaw pa rin
Kita ko pa sa'yong mga mata
May pag-asa pa tayong dalawa
At kung sa huli, 'di rin maibalik
Patawarin sana

[Outro]
Kung papayagan mong ikaw ay mahalin
Mula sa tagpuan natin
'Di papalampasin ang pagkakataong sabihing
Lumisan ang lahat, ikaw pa rin
Kahit sa paalam, ikaw pa rin