Moira Dela Torre
Sabi-Sabi
[Verse 1]
Kaya mo bang panindigan lahat ng sinasabi?
Bato-bato sa langit
Kung aalis lang, ba't sinimulan
Mga pangakong bibitawan lang pala

[Chorus]
Kaya wag magagalit pag ako'y tumatahimik
Paatras at pabalik
Naisip kong baka sakali
Magsisisi man sa huli
Wala nang mangyayari
Kasi ang kita sa bula, mawawala lang rin
Magsisisi ba sa huli kung 'di ka patawarin
Kung 'di mo kayang tuparin bakit pa sasabihin?
Shh

[Verse 2]
Walang maninira ng bakal, kundi sarili mong kalawang
Ingat ka
Mas pipiliing masaktan nang panandalian lang
Kaysa maiwang umaasa

[Chorus]
Kaya wag magagalit pag ako'y tumatahimik
Paatras at pabalik
Naisip kong baka sakali
Magsisisi man sa huli
Wala nang mangyayari
Kasi ang kita sa bula, mawawala lang rin
Magsisisi ba sa huli kung 'di ka patawarin
Kung 'di mo kayang tuparin bakit pa sasabihin?
Shh
[Bridge]
Ooh, ooh-ooh
Oh-oh, oh-oh-oh
Ooh, ooh-ooh
Oh-oh, oh-oh

[Outro]
Kaya't patawad kung sakali, ikaw lang ang nasisisi
Pano mababawi ang nabitawang sabi-sabi
Magsisisi man sa huli
Wala nang mangyayari
Kasi ang kita sa bula, mawawala lang rin
Magsisisi ba sa huli kung 'di ka patawarin?
Kung 'di mo kayang tuparin bakit pa sasabihin?
Shh