Yumi Lacsamana
Kilometro
[Intro]
Gagawin ko ang lahat upang
Sa huli, sa huli, sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang
Kilome-kilome-kilometrong layo (Layo, layo)
Yeah, oh-oh, ooh

[Verse 1]
Bakit nga ba itong agwat natin pinipilit palawakin?
Pero habang merong bumabalakid, ang pag-ibig lumalalim
Tila tala sa tala ang layo at 'di ka na matanaw
Pero 'pag humahaba ay lalo kitang sinisigaw

[Pre-Chorus]
Maging ang laot, walang takot na tatawirin
Kahit alon ay umabot sa papawirin
Sa'n man dako'y pinangakong makakarating
Ikaw lang ay makapiling

[Chorus]
Gagawin ko ang lahat upang
Sa huli, sa huli, sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang
Kilome-kilome-kilometrong layo
(Whoa, oh-whoa, oh-whoa)
Kilome-kilome-kilometrong layo
(Whoa, oh-whoa, oh-whoa)
Kilome-kilome-kilometrong layo (Layo, layo)
[Verse 2]
Sumasalungat ang daigdig
At tayo'y 'di magkasalubong
Oh, dapat na ba 'kong makinig?
Magpadala na sa daluyong
Inanod, inagos at halos hindi ka na matanaw
Pagtapos mabalot ng galos
Sigaw pa rin ay ikaw

[Pre-Chorus]
Maging ang laot, walang takot na tatawirin (Oh)
Kahit alon ay umabot sa papawirin (Oh)
Sa'n man dako'y pinangakong makakarating
Ikaw lang ay makapiling (Oh)

[Chorus]
Gagawin ko ang lahat upang (Gagawin ko ang lahat)
Sa huli, sa huli, sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang
Kilome-kilome-kilometrong layo
(Whoa, oh-whoa, oh-whoa)
Kilome-kilome-kilometrong layo
(Whoa, oh-whoa, oh-whoa)
Kilome-kilome-kilometrong layo

[Pre-Chorus]
Maging ang laot, walang takot na tatawirin
Kahit alon ay umabot sa papawirin
Sa'n man dako'y pinangakong makakarating
Ikaw lang ay makapiling
[Chorus]
Gagawin ko ang lahat upang
Sa huli, sa huli, sa huli ay tayo (Sa huli ay tayo)
Kung kailangan kong tahakin ang
Kilome-kilome-kilometrong layo (Oh-oh)
(Whoa, oh-whoa, oh-whoa)
Kilome-kilome-kilometrong layo
(Whoa, oh-whoa, oh-whoa)
Kilome-kilome-kilometrong layo
(Oh-whoa, oh-whoa)
(Whoa, oh-whoa, oh-whoa)
Kilome-kilome-kilometrong layo (Layo, layo)