December Avenue
Wala Nang Iba
[Verse 1: Zel Bautista]
Bakit 'di na lang sabihin
Lahat ng hindi mo maamin?
Hindi na maitago ng 'yong mga mata
Meron na bang iba?

[Pre-Chorus: Belle Mariano]
'Di ko magawang sabihin
Ano na ba'ng nangyari sa 'tin?
Tila nagbago ang 'yong nadarama
Parang ayaw mo na

[Chorus: Zel Bautista & Belle Mariano]
Kahit gulong-gulo ang isip ko
Ikaw pa rin ang hanap at ipipilit ko
Hiling ko lang sa langit, sana ika'y kumapit
Sa'king mga kamay at 'wag na 'wag mong bibitawan
Handa ka bang ako'y bitawan? Mm-mm

[Verse 2: Zel Bautista, Belle Mariano, Both]
Bakit kailangan pang ilihim ('Di na kailangan pa)
Kung hindi ka na para sa'kin?
Nais ko lang naman magtapat ka (Mm-mm)
Kung meron na bang iba?

[Pre-Chorus: Belle Mariano, Zel Bautista, Both]
Ano pa bang dapat ilihim? (Wala nang iba)
SIguro nga'y di para sa'tin
Kung tadhana ang magpapasya (Ah-ah)
Sana nga'y tayo nang dalawa
[Chorus: Zel Bautista & Belle Mariano]
Kahit gulong-gulo ang isip ko
Ikaw pa rin ang hanap at ipipilit ko
Hiling ko lang sa langit, sana ika'y kumapit
Sa'king mga kamay at 'wag na 'wag mong bibitawan

[Bridge: Zel Bautista & Belle Mariano]
Ang lahat ng ito'y masasayang, ooh
Kung hindi pagbigyan ang nararamdaman
Ay paano na lang tayo? Oh, oh, woah

[Chorus: Zel Bautista & Belle Mariano]
Kahit gulong-gulo ang isip ko
Ikaw pa rin ang hanap at ipipilit ko
Hiling ko lang sa langit, sana ika'y kumapit
Sa'king mga kamay at 'wag na 'wag mong bibitawan
Kahit gulong-gulo ang isip ko
Ikaw pa rin ang hanap at ipipilit ko
Hinihiling sa langit, sana ika'y kumapit
Sa'king mga kamay at 'wag na 'wag mong bibitawan

[Outro: Zel Bautista & Belle Mariano]
Handa ka bang ako'y bitawan?
Hinding-hindi ka bibitawan
Handa ka bang ako'y bitawan?
Ooh, ooh