Florante
Sabi Nila
[Verse 1]
Masdan mo itong aking syota
Hataw ang porma, at anong ganda
Maipagmamalaki sa mga barkada
Garantisado ang pagkadalaga
Kung katawan lang ang pag-uusapan
'Di paiiwan sa mga nagja-Japan
Parang modelo ang kayang pigura
Kaya't tuloy ako'y kinakabahan

[Chorus]
Sabi nila
Mag-ingat ka sa magaganda
Baka panlabas lang ang pinapakita nila
Sa loob ay paiikutin ka

[Verse 2]
Ako' hindi halos makatulog
Pinoproblema ko ang aking syota
Ayaw niya kasi sa aking barkada
At baka raw kung sa'n ako isama
Ang mag-alala'y hindi ko maiwasan
Subalit talagang mahal ko siya
Hindi man lubos ang pagtitiwala
Nagseselos at naghihinala
[Chorus]
Sabi nila
Mag-ingat ka sa magaganda
Baka panlabas lang ang pinapakita nila
Sa loob ay paiikutin ka

[Instrumental Break]

[Chorus]
Sabi nila
Mag-ingat ka sa magaganda
Baka panlabas lang ang pinapakita nila
Sa loob ay paiikutin ka

[Outro]
Sabi nila