Florante
Pinoy Ako
[Verse 1]
Narito ang awit ko
Tungkol sa akin at sa iyo
Pakinggan mo

[Verse 2]
Noong tayo'y ipanganak
Ang kamao'y nakakuyom
Habang umiiyak

[Verse 3]
Ako'y isinilang
Sa bayang maralita
Ngunit masasabi ko
Na ang bayang ito'y akin

[Verse 4]
Kay dami nang mga banyaga
Sa bansa ko ay nanggulo
At gumahasa

[Verse 5]
Pinoy ako
Na may kultura
Taas-noo kong sasabihing
Ako'y kayumanggi
[Verse 6]
Pinoy ako
Ako'y may kulay
Taas noo kong sasabihing
Ako'y kayumanggi

[Instrumental Break]

[Verse 7]
Kaya ngayon
Nag-aapoy
Itong poot sa 'king dibdib
Habang umaawit

[Verse 8]
Kay dami nang lumilisan
Upang magpa-alipin lang
Sa ibang bayan

[Verse 9]
Bakit 'di natin pagyamanin
Ang likas na sariling atin
Bayang Pilipinas

[Verse 5]
Pinoy ako
Na may kultura
Taas-noo kong sasabihing
Ako'y kayumanggi
[Verse 6]
Pinoy ako
Ako'y may kulay
Taas noo kong sasabihing
Ako'y kayumanggi