Khel Pangilinan
Balang Araw
[Verse 1: Khel Pangilinan]
Minsan na 'kong nangarap at sinwerte nga naman
Nang ako'y ibigin, nang ako ay mapagbigyan
Ng pagkakataong lumigaya ng lubos

[Pre-Chorus: Katrina Velarde]
Ngunit ang ating kwento
Tila biglang nagtapos
Kinailangang magpaalam sa isa't isa
Ngunit umaasa pa rin ang puso ko, sinta, na

[Chorus: Katrina Velarde with BuDaKhel]
Balang araw, muling makakasama ka
Balang araw, muling mahahagkan kita
Balang araw, tayo'y muling magtatagpo
Balang araw, ikaw pa rin at ako

[Verse 2: Bugoy Drilon]
Tila suntok sa buwan na ngayo'y makapiling ka
Ngunit hindi na kaya ang umibig nang iba
'Pagkat ikaw pa rin ang aking hahanapin

[Pre-Chorus: Daryl Ong]
Dahil ang ating kwento
Ay hindi pa tapos
Kahit tayo'y nagpaalam sa isa't isa
Dito sa puso ko mananatili ka, sinta, at
[Chorus: Katrina Velarde with BuDaKhel]
Balang araw, muling makakasama ka
Balang araw, muling mahahagkan kita
Balang araw, tayo'y muling magtatagpo
Balang araw, ikaw pa rin at ako, oh-ohh

[Bridge: Katrina Velarde]
Sa agos ng panahon
Magkikita rin tayo
Araw, buwan at taon
Maghihintay ako, oh-ohh

[Chorus: Katrina Velarde with BuDaKhel]
Balang araw (Balang araw), muling makakasama ka
Balang araw (Balang araw), muling mahahagkan kita
Balang araw (Balang araw), tayo'y muling magtatagpo (Muling magtatagpo)
Balang araw, ikaw pa rin at ako, ooh-woah

[Chorus: All, Khel Pangilinan, Bugoy Drilon, Daryl Ong]
Balang araw, muling makakasama ka (Muling makasama)
Balang araw, muling mahahagkan kita
Balang araw (Balang araw), tayo'y muling magtatagpo (Magtatagpo)
Balang araw
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin
Ikaw pa rin
[Outro: Katrina Velarde]
At ako