Khel Pangilinan
Pare Mahal Naman Kita
[Intro]
Ooh, ooh-ooh

[Verse 1]
Pare, umiiwas ka ba?
Sa akin ba'y may galit ka?
Ano bang nagawa kong kasalanan
At ako ngayo'y bigla na lang iniwan?

[Verse 2]
Pare, sa'yo'y nasabi na
'Di mag-iiba, kaibigan lang kita
Kung higit pa roon ang inaasahan
'Di ko kaya, 'wag ka sanang magdamdam

[Chorus]
Pare, mahal naman kita pero ako'y nangangamba
Kung ipipilit lang ang nais mo, baka mayroon lang mag-iba
Hanggang kaibigan lang ang alay ko sa'yo
Pero mahal naman kita, o pare ko

[Verse 2]
Pare, 'wag kang mag-alala
Nandito lang ako, sasamahan ka
Kahit pa tuksuhin, layuan ng iba
'Di ako mawawala, hinding-hindi mag-iisa
[Chorus]
Pare, mahal naman kita pero ako'y nangangamba
Kung ipipilit lang ang nais mo, baka mayroon lang mag-iba
Hanggang kaibigan lang ang alay ko sa'yo
Pero mahal naman kita, o pare ko

[Bridge]
Hindi maiilang lagi mong tandaan
Kaibigan mo ako walang hanggan

[Chorus]
Pare, mahal naman kita pero ako'y nangangamba
Kung ipipilit lang ang nais mo, baka mayroon lang mag-iba
Hanggang kaibigan lang ang alay ko sa'yo
Pero mahal naman kita, o pare ko