Khel Pangilinan
Tanging Ligaya Ko
[Verse 1]
Nung una tayong nagkita, ako'y nabighani na
Kala ko ika'y suplada, hindi pala
Isang araw bigla tayong nagkakuwentuhan at nagka-mabutihan
Naisip ko na baka ikaw na nga

[Verse 2]
Hindi ako nagsisisi nang ikaw ay niligawan
Ngumiti, sumigla, ang mundo ko'y nag-iba
Ang babaeng hinahanap ko ng kay tagal, ngayon nandito na
Habang buhay pangakong tayo na

[Chorus]
Sana'y 'di ka magbago
Pangako sa'yo, mamahalin kita
Mundo man ay maglaho, walang ibang hiniling
Kundi ang makapiling ka
Walang ibang gustong makasama
Inaalay ko ang buhay ko para sa'yo
Ikaw ang tanging ligaya ko

[Verse 3]
Nang ikaw ay makasama, may kakaibang nadarama
Sumaya, gumanda at 'di na nag-iisa
Pangarap ko'y pangarap mo rin at sabay natin aabutin
Kahit saan pa tayo makarating
[Chorus]
Sana'y 'di ka magbago
Pangako sa'yo, mamahalin kita
Mundo man ay maglaho, walang ibang hiniling
Kundi ang makapiling ka
Walang ibang gustong makasama
Inaalay ko ang buhay ko para sa'yo
Ikaw ang tanging ligaya ko

[Bridge]
Basta't ipangako mo ako lang ang mahal
Ikaw at ako, iisa tayo
Hindi magbabago itong pagtingin ko sa'yo

[Chorus]
Sana'y 'di ka magbago
Pangako sa'yo, mamahalin kita
Mundo man ay maglaho, walang ibang hiniling
Kundi ang makapiling ka
Walang ibang gustong makasama
Inaalay ko ang buhay ko para sa'yo
Ikaw ang tanging ligaya ko