Khel Pangilinan
Parang Tayo Pero Hindi
[Verse 1: Michael Pangilinan, Angeline Quinto]
Ano pa ba’ng hanap? 'Di ba't wala naman hadlang?
Higit sa magkaibigan
Ngunit damdami'y may puwang
'Di ko malaman kung anong mayro'n sa atin
Hindi masabi kung ikaw nga ba ay akin

[Chorus: Both, Michael Pangilinan, Angeline Quinto]
Parang tayo, pero hindi
Natatakot na magkamali
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo, pero hindi?
Kaya't puso'y 'di mapakali
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong
Parang tayo, pero hindi
Parang tayo, pero hindi

[Verse 2: Michael Pangilinan, Angeline Quinto]
Lagi nang 'di napapansin ang orasang kumukumpas
At sa tuwing magkasiping, tila ang init ay wagas
Ngunit bakit pagdurusa'y 'di mapawi? (Hinding-hindi mapawi)
Ang isip ay litong-lito at ‘di mawari

[Chorus: Both, Michael Pangilinan, Angeline Quinto]
O bakit ba parang tayo, pero hindi
Natatakot na magkamali
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo, pero hindi?
Kaya't puso'y 'di mapakali
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong
[Bridge: Michael Pangilinan, Angeline Quinto, Both]
Parang kay daming dahilan
Dahil takot na masaktan
Paglalaro’y hanggang saan?
Mayr’ong buwis ang buhay na

[Chorus: Both, Michael Pangilinan, Angeline Quinto]
Parang tayo-ooh, ooh-ooh-ooh
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo, pero hindi?
Kaya't puso'y 'di mapakali
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong
Parang tayo, pero hindi