Celeste Legaspi
Medley: Halina / Halina / Pasko Kasi / Kami Po’S Paskuhan / Damdaming Pasko / Pasko’Y Laganap / Simula Ng Pasko
[Verse 1]
O, mga kasama halina, halina
Mag-alay ng panalangin
At dalawin halina, halina
Ang sanggol ng Inang Birhen
Maghanda-handa sa pagdiriwang ating gagawin
At sikapin ding mapagmahal ang damdamin natin
At lahat tayo ay dapat magdasal nang mataimtim
Nang tayo'y pagpalain
O, mga kasama halina, halina
Mag-alay ng panalangin

[Verse 2]
Sa Belen tayo ay magsidalaw
At mag-alay ng ating paggalang
Iya'y tungkulin habang buhay
Ng bawat taong isinilang

[Verse 3]
Dinggin niyo ang buong bayan
Pamasko ang awitan
Laganap ang kasayahan
May galak ang daigdigan

[Verse 4]
Dukha man ang ating buhay
Tayo'y dapat magdiwang
Tayo ay magpasalamat sa taglay nating buhay
[Verse 5]
Sa araw ng Pasko iwaglit ang lumbay
Tayo ay magsayang walang humpay
Ihanda ang lahat ng may sigla at liksi
Darating ang araw ng Pasko kasi

[Verse 6]
Buksan niyo ang bintana
At kami ay pakinggan
Ang awit naming Pamasko
Sa inyo'y iniaalay
Kami po ay nanggaling
Sa malayong bayan
Nagsadya rito sa inyo
Upang kayo ay awitan

[Verse 7]
Kami'y bumabati ng maligayang Pasko
At masaganang bagong taon
Kami po ay nanggaling
Sa malayong bayan
Nagsadya rito sa inyo
Upang kayo ay awitan

[Verse 8]
Ang kagandahang loob
Ay naghahari sa sino man
Pagbibigayan ang siyang namamasdan
Dito at kahit saan man
[Verse 9]
Sa t'wing araw ng Pasko
Nagdiriwang ang kahit sino
'Pag masagana'y buong siglang
Nag-aalay sa pusong may lumbay

[Verse 10]
Ang damdaming ganyan sana
Ay laging taglay ng bawat isa
Upang ang buhay natin ay
Lumaging ligtas sa pagdurusa
Ang damdaming ganyan sana
Ay laging taglay ng bawat isa
Nang mabuhay tayong walang pangamba
At maligaya

[Verse 11]
Maligaya sana ang maging Pasko natin
Mag-aalay ng papuri sa pananalangin
Sa lahat ng tao, sa lahat ng dako
Pagdiriwang natatangi ang araw ng Pasko

[Verse 12]
Kapag nasa simbahan tayo'y magdasal
At kung nasa tahanan tayo'y magdiwang
Iyan ang kaugalian na ating nagisnan
Laging alalahanin ngayon at kailanman
[Verse 13]
Nauna ang tatlong haring mago
Nagbigay ng mga regalo
Simula nang ito ng kagandahang loob
Ng mga taong naging Kristyano

[Verse 14]
Habang tayo'y nabubuhay
Ang Pasko ay laging ipagdiwang
At itangi ang pagsilang
Ni Hesus na ating minamahal
Habang tayo'y nabubuhay (Habang tayo'y nabubuhay)
Ang Pasko ay ating ipagdiwang
At itangi ang pagsilang (At itangi ang pagsilang)
Ni Hesus na ating minamahal

[Verse 15]
O, mga kasama halina, halina
Mag-alay ng panalangin
At dalawin halina, halina
Ang sanggol ng Inang Birhen