Celeste Legaspi
Nasaan Ka Irog
[Verse 1]
Nasaan ka irog
Nasaan ka irog
At dagling naparam ang iyong paggiliw
'Di baga sumpa mong ako'y mamahalin
Iyong itatangi, iyong itatangi
Magpahanggang libing
Subalit nasaan ang gayong pagtingin

[Verse 2]
Nasaan ka irog
At natitiis mong ako'y mangulila
At hanap-hanapin ikaw sa alaala
Nasaan ang sabi mong
Ako'y 'yong ligaya
Ngayong nalulungkot, ngayong nalulungkot
Ay 'di ka makita

[Verse 3]
Irog ko'y tandaan
Kung ako man
Ay iyong ngayo'y siniphayo
Mga sumpa't lambing
Pinaram mong buo
Ang lahat sa buhay ko
Ay hindi maglalaho't
Magsisilbing bakas
Nang nagdaan daang pagsuyo
[Verse 4]
Tandaan mo irog
Irog ko'y tandaan
Ang lahat sa buhay ko
Ay hindi maglalaho't
Magsisilbing bakas
Nang nagdaan daang pagsuyo

[Outro]
Nasaan ka irog
Nasaan ka irog