Celeste Legaspi
Kundiman Ng Luha
[Verse 1]
Paraluman sa pinto ng iyong dibdib
Isang puso ang naritong humihibik
Kaluluwang luksang-luksa at may sakit
Pagbuksan mo't damayan kahit saglit

[Verse 2]
Tinging yaring matang luha'y bumubukal
Humihingi ng awa mo't pagmamahal
Damhin mo rin ang dibdib kong namamanglaw
Yaring puso sa pagsinta'y mamamatay, mamamatay, ay

[Verse 3]
Ilaglag mo ang panyo mong may pabango
Papahiran ko ang luha ng puso ko
Ah, pag-ibig kung ang oo mo ay matamo
Ah, pag-ibig kung ang oo mo ay matamo
Hanggang sa hukay, hanggang sa hukay
Magkasama ikaw at ako

[Verse 3]
Ilaglag mo ang panyo mong may pabango
Papahiran ko ang luha ng puso ko
Ah, pag-ibig kung ang oo mo ay matamo
Ah, pag-ibig kung ang oo mo ay matamo
Hanggang sa hukay, hanggang sa hukay
Magkasama ikaw at ako
Magkasama ikaw at ako