Celeste Legaspi
Pakiusap
[Verse 1]
Natutulog ka man irog kong matimtiman
Tunghayan mo man lamang ang nagpapaalam
Dahan-dahan mutya buksan mo ang bintana
Tanawin mo't kahabagan ang sa iyo'y nagmamahal

[Verse 2]
Kung sakali ma't salat sa yama't pangarap
May isang sumpang wagas ang aking paglingap
Pakiusap ko sa iyo kaawaan mo ako
Kahit mamatay pag-ibig ko'y minsan lamang

[Verse 3]
Pakiusap ko sa iyo
Kaawaan mo ako
Pakiusap ko sa iyo
Kaawaan mo ako
Kahit mamatay pag-ibig ko'y minsan lamang

[Outro]
Iniibig kita magpakailan pa man