Celeste Legaspi
Mahiwaga Medley
[Part I: Mahiwaga]

[Verse 1]
Mahiwaga ang buhay ng tao
Ang bukas ay 'di natin piho
At manalig lagi sana tayo
Ang Diyos Siyang pag-asa ng mundo

[Verse 2]
Pag-ibig sa ating kapwa tao
At laging magmahalan tayo
'Yan ang lunas at ligaya
At pag-asa ng bawat kaluluwa
'Yan ang lunas at ligaya
At pag-asa ng bawat kaluluwa

[Part II: Diyos Lamang Ang Nakakaalam]

[Verse 3]
Ang buhay, tulad ng isang awit lamang
Mayro'ng simula at may katapusan
Ang araw at gabi, lumulungkot hirang
Sa mga suliraning pinaglalabanan

[Verse 4]
Ang ating pagkukunwari sa buhay
Pagbabalatkayo sa katotohanan
Ano man ang ating maging kapalaran
Tanging Diyos lamang ang nakakaalam
[Outro]
Ano man ang ating maging kapalaran
Tanging Diyos lamang ang nakakaalam