Celeste Legaspi
Puso Medley
[Part I: Sumpa Ng Puso]

[Verse 1]
Sumpa ng puso, dinggin mo at damahin
Ikaw at ikaw lamang tunay na mamahalin
Habang may buhay asahan mo, o giliw
Habang may buhay ika'y mamahalin

[Verse 2]
Sumpa ng puso, 'di maglalaho
Iyan na nga ang sumpa ko sa 'yo
Tanda ng aking pagsuyo

[Part II: Hinahanap Kita]

[Verse 3]
Hinahanap kita sa aking pangarap
Hinahanap kita sa lungkot at hirap
Isang ngiti mo lang, puso ko'y nabihag
Hinahanap, tinatawag kita, liyag

[Verse 4]
Ngunit isang araw, sinta, lumimot ka
Iniwan mo ang puso kong nagdurusa
Sakali mang ako'y sadyang limot mo na
Tatawagin, hahanapin pa rin kita
[Outro]
Hahanapin, tatawagin pa rin kita