Celeste Legaspi
Alembong Medley
[Part I: Alembong]

[Verse 1: Celeste Legaspi]
Alembong, alembong, ang ibig sabihin
"Pumasok sa puso ang isang paggiliw"
Alembong, alembong ay isang damdamin
Na kahit kanino ay dumarating

[Chorus: Celeste]
Pag-ibig ang tanging hanap ng lahat
Ligaya na huwag na sanang magwakas
Alembong ay napapansin sa sulyap
Sa kilos man lamang ay nagtatapat

[Verse 2: Celeste]
Alembong, alembong, ang ibig sabihin
"Halina, halina at ako'y ibigin"
Alembong, alembong, ika'y mahal ka sa akin
Kaya't ang alembong ay naglalambing

[Chorus: Celeste]
Pag-ibig ang tanging hanap ng lahat
Ligaya na huwag na sanang magwakas
Alembong ay napapansin sa sulyap
Sa kilos man lamang ay nagtatapat
[Part II: Hahabol-habol]

[Verse 3: Nonoy Zuñiga]
Oh, ang babae 'pag minamahal
May kursunada'y aayaw-ayaw
'Pag panay ang dalaw ay nayayamot
Huwag mong dalawin, dadabog-dabog
Huwag mong suyuin ay nagmamaktol
'Pag iyong iniwan, hahabol-habol

[Chorus: Celeste]
Oh, ang lalaki 'pag minamahal
Kahit may pag-ibig, aayaw-ayaw
Kapag iyong biniro ay nayayamot
Huwag mong batiin, dadabog-dabog
Huwag mong suyuin ay nagmamaktol
'Pag iyong iniwan, hahabol-habol (Chut)

[Verse 4: Nonoy]
Mayro'ng babae akong nililigawan (Chut-chururut)
Kapag aking pinapanhik sa bahay (Chut-chururut)
Nagtatago at ayaw malapitan (Chut-chururut)
Kung may pag-ibig ay 'di mo malaman (Chut-chururut)
Oh, ang babae 'pag minamahal (Chut-chururut)
Maloloko ka nang husto sa buhay
[Chorus: Celeste]
Oh, ang lalaki 'pag minamahal
Kahit may pag-ibig, aayaw-ayaw
Kapag iyong biniro ay nayayamot
Huwag mong batiin, dadabog-dabog
Huwag mong suyuin ay nagmamaktol
'Pag iyong iniwan, hahabol-habol (Chut)

[Verse 5: Celeste, Nonoy, Celeste & Nonoy]
Noong minsan ako ay niligawan (Chut-chururut)
Isang lalaking pogi at mayaman (Chut-chururut)
Binasted ko sa isang kadahilanan (Chut-chururut)
Lahat ng sinasabi ay kayabangan (Chut-chururut)
Oh, ang lalaki (Oh, ang babae) 'pag minamahal (Chut-chururut)
Maloloko ka nang husto sa buhay (Chururut, chururut)

[Chorus: Celeste & Nonoy]
Oh, ang lalaki 'pag minamahal ('Pag minamahal)
Kahit may pag-ibig, aayaw-ayaw (Aayaw-ayaw)
Kapag iyong biniro ay nayayamot (Ay nayayamot)
Huwag mong batiin, dadabog-dabog (Dadabog-dabog)
Huwag mong suyuin ay nagmamaktol (Ay nagmamaktol)
'Pag iyong iniwan, hahabol-habol

[Post-Chorus: Celeste & Nonoy]
Huwag mong suyuin ay nagmamaktol (Ay nagmamaktol)
'Pag iyong iniwan, hahabol-habol
Huwag mong batiin, dadabog-dabog (Dadabog-dabog)
'Pag iyong iniwan, hahabol-habol
[Outro: Celeste and Nonoy]
Huwag mong amuin ay nayayamot (Ay nayayamot)
'Pag iyong iniwan, hahabol-habol
Huwag mong suyuin ay nagmamaktol (Ay nagmamaktol)
'Pag iyong iniwan, hahabol-habol