Celeste Legaspi
Bolero Medley
[Verse 1]
Ikaw pala'y mayro'ng ibang minamahal
'Di mo pinagtapat noong una pa lang
Nang sana tayo ay hindi na nagtagal
At nagmahalan

[Verse 2]
Maiaalis mo ba'ng ako ay magdamdam
Kung ang pagsuyo mo'y balatkayo lamang
Batid ng Diyos labis kitang minamahal
Ngayon at kailanman

[Verse 3]
Magtaksil man ikaw
'Yan ay 'di mo kasalanan
'Pagkat ako'y sadyang
Kapuspalad nang isilang

[Verse 4]
Sa pag-ibig ako ngayo'y nabubuhay
Sa pag-ibig na rin ako'y mamamatay
At kahit na ang puso mo'y salawahan
Ikaw rin ang mahal

[Verse 5]
Padre, nais kong mangumpisal
Ako ay nagkasala sa isang nilalang
Iniibig ko siya kahit ito ay bawal
At mayro'ng ibang puso sa akin ay nagdaramdam
[Verse 6]
Bakit pa kaya ako sinilang
Kung laging sawi ang aking buhay
Subalit kung nais ng Maykapal
Sino akong tao lamang na susuway

[Verse 7]
Huwag kang lumuha giliw at ako'y babalik
Huwag kang mag-alinlangan puso'y humihibik
At dapat mong malaman ang nais ng dibdib
Sinusumpa kong tunay na tunay 'di ka iwawaglit

[Verse 8]
Ako'y babalik sa piling mo hirang
Ang aking pagsuyo'y 'di mahahadlangan
Hanggang sa wakas ay magpapakasakit
Sa tulong ng langit ako'y babalik