Celeste Legaspi
Pagkat Mahal Kita
[Verse 1]
Irog ikaw ang buhay
Puso ay iyo lamang
Tanging ang iyong larawan
Aliw ng pusong nagmamahal

[Verse 2]
Dahil sa'yo may buhay ang daigdig
Pawang lahat ay may awit
Yaong bukid maging hangin sila'y naiinggit
At ang batis ng pagsuyo ang siyang dinadalit

[Verse 3]
Pag-ibig na kay tamis 'di magmamaliw sinta
Kahit tuluyang ako'y maglaho sa mata
Kailan pa man sumpa'y 'di mag-iiba
Pagkat hanggang sa wakas mahal kita