Celeste Legaspi
Bulung-Bulungan
[Verse 1]
Huwag kang manalig sa bulung-bulungan
Na ikaw, irog, ay pinagtaksilan
'Pagkat maraming naiinggit lamang
Sa ating labis na pagmamahalan

[Verse 2]
Kung ninanais mong mapatunayan
Na ang pag-ibig ko'y laging dalisay
Dibdib ko, irog, buksan mo nang tuluyan
Sa puso ko'y malasin ang pagsintang tunay

[Chorus]
Hindi mo lamang batid ang tunay kong damdamin
Irog, ikaw lamang ang iibigin
Kahit libong dusa ay hahamakin
Kung ikaw ang siyang nagdulot ay ligaya sa akin

[Instrumental Break]