Celeste Legaspi
Lahat Ng Gabi, Bawat Araw
[Verse 1]
Gabing tahimik ang buwan ay nasa langit
Ngunit giliw, bakit wala ang 'yong pag-ibig?
Naging umaga ang araw ay sumapit
Ngunit bakit wala, wala pa rin ang init ng 'yong halik?

[Instrumental Break]

[Verse 2]
Gabi at araw, hinahanap ay ikaw
Ikaw ang tangi sa pusong nagmamahal
Sa dilim ng gabi nitong aking buhay
Ang pag-ibig mong tunay ang siyang tanglaw

[Verse 3]
Lahat ng gabi at araw, ako ay maghihintay
Ikaw ang tanging pagsintang aking natutuhan
Bawat pangarap ko, walang iba kundi ikaw
Lahat ng gabi, bawat araw

[Instrumental Break]

[Outro]
Bawat pangarap ko walang iba kundi ikaw
Lahat ng gabi, bawat araw