Celeste Legaspi
Langit Mo, Ulap Mo
[Verse 1]
Langit mo, ulap mo
At kung minsa'y sikatan mo, araw mo
Pasigan mo ang dagat mo, palad mo
Silungan mo ako

[Verse 2]
Habang buhayin mo
Kung may apoy, sunog mo, usok mo
At kung tahimik, duyan mo, turan mo
At darating ako, at darating ako

[Verse 3]
At araw-araw, alay ko, malay ko
Lumabis man pangarap ko, mahanap ko
Ay gagabi't arawin ko, hain kong
Idudulog sa 'yo

[Verse 4]
Parang nagkataon
Kitang dal'wa ay narito
Ibig ko'y maging hilaga't timog mo
Ilog mo, irog mong laging ako

[Instrumental Break]
[Verse 4]
Parang nagkataon
Kitang dal'wa ay narito
Ibig ko'y maging hilaga't timog mo
Ilog mo, irog mong laging ako

[Outro]
Maging hilaga't timog mo
Ilog mo, irog mong laging ako