Celeste Legaspi
Akoy Bakyang-Bakya
[Verse 1]
Ang hilig ko'y butong pakwan
Ayoko ng pastilyas
Nagdyi-dyip ako miski saan
Hanggang sa Dasmariñas

[Verse 2]
Hindi ako lumalampas sa linya ng batas
At wala akong namamaneho kahit na harabas
Nakakahilo ang maging sosyal
Hanggang Luneta lang namamasyal

[Verse 3]
Kain sa oras ang aking gusto
Bayad sa utang ay palaging husto
Hindi ko kaya ang magwalang hiya
Oo, ako'y bakyang-bakya

[Verse 4]
Ayaw ko ngang magpelota't mahjong
Mag-Nina Ricci, Yves Saint Laurent
O mag-kolekta ng painting kaya
Pa'no, ako'y bakyang-bakya

[Verse 5]
Sumusunod sa aking loob
Kahit ako'y tawaging laos
Kaya mag-Hilton, hindi ko gawa
Dahil ako'y bakyang-bakya
[Verse 6]
Sa turo-turo, busog na ako
Si Oropesa ang idolo ko
Basta't may komiks na basang sadya
S'yempre ako'y bakyang-bakya

[Verse 7]
Ayaw ko ng palabas na Ingles
O mag-sports car, masyadong bilis
At mano nang magmukhang matanda
'Di ba't ako'y bakyang-bakya?

[Verse 8]
'Di ko alam ang mag-credit card
Ang pera ko, akin lahat
Sa kama ko, mag-isang hihiga
Kitams ako'y bakyang-bakya