Celeste Legaspi
3/4 Medley
[Verse 1]
Ang puso ko ngayon ay lihim na nagmamahal
Sa isang taong noon ko lang natagpuan
Aking nadama ang tunay na kaligayahan
Nang siya'y mangusap sa gitna ng halamanan

[Verse 2]
Kahit na hindi ko man lamang nakikita ang kanyang mukha
Sa wari ko ay maganda ako ay nabihag
Sa tinig nyang may panghalina
Kaya't ako ay lumisan na kapagdaka

[Verse 3]
'Yan nga kaya ang pag-ibig na sa puso ko'y dumalaw
Buhat noo'y alinlangan at 'di mapalagay
Nguni't ang di ko malaman kung may pagmamahal
Ang taong aking nakita kahit minsan lamang

[Verse 4]
Kung ako'y mag-aasawa ganda ng puso ang ibig ko
At ako'y handa sa hirap maging tuyo man ang ulam ko
Ibig ko'y mapagpatawad sa oras na mali ako
'Di ko ibig ang selosong gabi at araw nanggugulo

[Verse 5]
Ang ibig ko sa lalaki ay laging mapagmahal
Ayaw ko sa barumbado na agad nambubuntal
Ibig ko ay karinyoso at laging romantiko
Kung kaya mo itong idulot, ikaw na irog ang nais ko
[Verse 6]
Kung ako'y mag-aasawa, ikaw na giliw ang ibig ko
Na maging kabiyak ng puso sa bawat araw ng buhay ko
Sa gayong anong ligaya ang daranasin sa piling mo
Kung itong pag-aasawa'y maging mapalad dahil sa iyo

[Verse 7]
Nang pista sa nayon nagsayaw ka hirang
Napakagandang pagmasdan ang maliliit mong hakbang
At ang tatlong basong may taglay na ilaw
Ay tinimbang mong lahat sa ulo’t sa mga kamay

[Verse 8]
Ngunit 'di mo alam na minamasdan kita
At nabihag mo ako sa iyong pandanggong kay sigla
At magbuhat noon ay inaalala ka
Dahil sa walang lakas ang puso kong limutin ka

[Verse 9]
Sa pandanggo mo'y hanga ang lahat
Tangan mong mga ilawan ni isa'y walang lumagpak
Puso kong ito nais ko liyag
Ay ingatan mo na rin 'pagka't ikaw ang may hawak

[Verse 10]
Kataka-takang mahibang ang katulad ko sa iyo
Biro-biro ang simula, ang wakas pala ay ito
Aayaw-ayaw pa ako, ngunit 'yan ay 'di totoo
Dahil sa iyo, puso kong ito'y nabihag mo
[Verse 11]
Alaala ka lagi gabi't araw
Alipinin mo'y walang kailangan
Marinig ko lang sa labi mo hirang
Na ako'y iibigin lagi habang buhay

[Verse 12]
Kung ang sinta'y ulilain
Sino pa kaya'ng tatawagin
Kung hindi ang tunay mong giliw
Naku kay layo sa piling

[Verse 13]
Malayo man, malapit din
Pilit ko ring mararating
'Wag lamang masabi mong
'Di kita ginigiliw

[Verse 14]
Ginigiliw kitang tunay
Alaala gabi't araw
Pag 'di ka natatanaw
Puso ko nalulumbay

[Verse 15]
Sinisinta kita, 'di ka kumikibo
Akala mo yata ako'y nagbibiro
Saksi ko ang langit, sampu ng kanduro
Kundi kita mahal, puputok ang puso
[Verse 15]
Sinisinta kita, 'di ka kumikibo
Akala mo yata ako'y nagbibiro
Saksi ko ang langit, sampu ng kanduro
Kundi kita mahal, puputok ang puso