Celeste Legaspi
4/4 Medley
[Verse 1]
Ang lahat ng mangingibig
Kay sarap na mangusap
Lalo na't isang makata
At laging nangangarap

[Verse 2]
Saksi niya pati ang araw
Ang tala at langit
Makamtan lamang ang oo
Ng kanyang iniibig

[Verse 3]
O pag-ibig na makapangyarihan
'Pag pumasok sa puso ninuman
Hahamakin lahat ang kasawian
Masunod lamang ang minamahal

[Verse 4]
O pag-ibig sana'y iyong itangi
Ang puso kong malaon nang sawi
At ayaw kong lumuha pang muli
Kaluluwa'y lunod na sa pighati

[Verse 5]
Yaring buhay, ganyan ang may ligalig
Dahil sa 'yo pag-ibig
O pag-ibig, o pag-ibig
Pang-abala ka sa isip
[Verse 6]
Ngunit kahit ka ganyan magtitiis pa rin
Pagkat ang puso kong ito ay may pagmamahal
Na hindi magmamaliw sa buhay kong ito
Magpakailan pa man

[Verse 7]
Ang puso ko ay may lumbay
Pagkat hindi mo pansin man lamang
Araw gabi, namamanglaw
Naghihintay sa tunay mong pagmamahal

[Verse 8]
Nasaan ang iyong awa sa puso ko
Na naghihintay at umiiyak nang dahil sa 'yo
Hanggang may hininga, 'di na magbabago
Ang sumpang ikaw lang ang iibigin ko

[Verse 9]
Sinabi mong hindi na maglalaho
Ang 'yong pag-ibig, at 'yong pagsuyo
Mga sumpa't tamis ng iyong mga pangako
At nagpabihag sa aking puso

[Verse 10]
Isang araw, ika'y aking nakita
Sa piling ng ibang sinisinta
Tuwang-tuwa ka at kayo ay maligaya
Ako'y iyong pinaglaruan pala
[Verse 11]
Irog, bakit ka nagsalawahan
Kwintas ng mga pasakit ang sa akin ay iniwan
'Di ko na kailangan pang mabuhay
Kung ang tangi kong pag-ibig ay masasawi lamang

[Verse 12]
Kumakaway ka ba irog ng ako'y iwan
Upang tumungo sa ibang bayan
Isang panyong puting-puti ang aking tangan
Basang-basa ng luha kong 'di mapigilan

[Verse 13]
Ang wika mo'y ilang buwan lamang marahil
At babalik ka sa aking piling
Ang mga puso natin ay pagtataliin
Upang magsama hanggang sa libing

[Verse 14]
Tatlong buwan pa lamang ang matuling lumipas
Ang katumbas sa aki'y tatlong taon ka na
At aking nabibilang pati na'ng oras
Pagkat ang aking puso'y sawa na sa hirap

[Verse 15]
Kalungkutan ko'y labis at hindi matahimik
Gulong-gulo palagi yaring aking isip
Kausap ko ay luha at pawang hapis
At ulilang-ulila sa pag-ibig
[Verse 16]
Bakit mo ako pinaluluha
At palagi mong sinasabik
'Di ba ang sumpa mo sa akin
Ay tunay ang iyong pag-ibig

[Verse 17]
Wika mo pa ay ako na lamang
Ang una't huling mamahalin
Ngunit sa wari ko irog
Ikaw ay nagsisinungaling

[Verse 17]
Wika mo pa ay ako na lamang (Ohh)
Ang una't huling mamahalin (Mamahalin)
Ngunit sa wari ko irog
Ikaw ay nagsisinungaling