Curse One
Nabihag Mo
[Intro]
Yo, kamusta everyone
This is Curse One, yeah, yeah
And it's another one, here we go

[Chorus]
Kahit anong gawin ko
Upang maalis lang sa isipan ko
Kung pa'no mo sila kausapin
Kung pa'no ka tumingin sa'kin
Talagang 'di ko kakayanin
Na pigilan ang pintig ng puso ko
Hirap ko mang maamin sa'yo, oh
Ako ay nabihag mo

[Verse 1]
That was one night, ako'y nasa isang occasion
Isang celebration if I'm not mistaken
'Yun yata'y tapos ng graduation ng pinsan ng tropa ko
Sa kolehiyo, dito nagsimula ang kwento mo
So I get a couple of drinks para may inumin
And just puffin' that smoke if you know what I mean
Biglang may agaw pansin animo'y
'Di kapani-paniwalang may kumislap sa gilid na
Parang diwatang galing pa sa lugar ng mga anghel
Kakaiba ang ganda para 'kong binaril
Sa puso ako'y na-stuck up feels like 'papaligiran tayo ng mga pulis
Ang buong space ay nag-freeze, freeze
Parang kanta ni T-Pain at Chris Brown
Dulot niya para sa akin ay napakagandang sound
Pang-Binibining Pilipinas ang dating, she has the crown
Nasulat ko 'tong kantang 'to, 'cause for you I'm really down
[Chorus]
Kahit anong gawin ko
Upang maalis lang sa isipan ko
Kung pa'no mo sila kausapin
Kung pa'no ka tumingin sa'kin
Talagang 'di ko kakayanin
Na pigilan ang pintig ng puso ko
Hirap ko mang maamin sa'yo, oh
Ako ay nabihag mo

[Verse 2]
Sa daming lugar na napuntahan ko, 'kala ko lahat nakita ko na
Hugis ng kaniyang katawan, nakakaakit niyang mata, mala-porselanang kutis niya
Ngiti niyang nakakapagpapababa ng mga talakid
'Di mo binalikan na meron palang isang katulad niya
Kilos niya'y mahinhin, makinang like bling bling
Unang kita palang parang gusto ko nang suotan ng singsing
Bawat galaw niya, anino'y aking sinusundan
Pati paghawi ng kaniyang buhok tinitingnan
At pinagmamasdan ko siya bawat anggulo
Ang tanong ko, "Gusto niya rin kaya ako?", I don't know
Marahil hindi, hindi siguradong 'di ako ang tipo niya
'Di kagwapuhan, payat, walang pera at minsan lampa
Pero 'wag ka 'pagkat kahit ganito lang ako
Meron akong isang bagay na tyak mapagmamalaki mo
Na ang lalaking 'to, sinasabihan mang lampa
May kasiguraduhan kang hanggang sa huli'y mamahalin ka
[Chorus]
Kahit anong gawin ko
Upang maalis lang sa isipan ko
Kung pa'no mo sila kausapin
Kung pa'no ka tumingin sa'kin
Talagang 'di ko kakayanin
Na pigilan ang pintig ng puso ko
Hirap ko mang maamin sa'yo, oh
Ako ay nabihag mo

[Verse 3]
Ilang buwan, araw, lumipas pagkatapos ng gabi na 'yon
Hanggang ngayon, 'di ko siya kilala, sino ba 'yon?
Ano kayang pangalan niya? Wala akong idea
I miss you parang kanta ni Aaliyah
It's been too long and I'm lost without you
'Di ako makatulog sa'yo what should I do
'Di ko lubos maisip na mangyayari sa'kin 'to
Ba't gan'to aking hiling na sana'y balang araw muli tayo'y magtagpo?
Upang masabi ko sa'yo lahat ng aking nadarama sa'yo aking ipagtatapat na
At kung mangyari man 'yon, 'di ko na papalampasin pa 'to
Ipapakita ko sa'yo, ako'y sobrang nabihag mo
Ako'y sobrang in-love sa'yo
Ipagsisigawan ko sa buong mundo
Sa'yo lang ako nagkagan'to
Yo, 'pag nangyari 'to sa'yo, ngayon alam mo na
'Wag hahayaang mawala pa siya sa oras na main-love ka
[Chorus]
Kahit anong gawin ko
Upang maalis lang sa isipan ko
Kung pa'no mo sila kausapin
Kung pa'no ka tumingin sa'kin
Talagang 'di ko kakayanin
Na pigilan ang pintig ng puso ko
Hirap ko mang maamin sa'yo, oh
Ako ay nabihag mo

[Outro]
Kahit anong gawin ko
Upang maalis lang sa isipan ko
Kung pa'no mo sila kausapin
Kung pa'no ka tumingin sa'kin
Talagang 'di ko kakayanin
Na pigilan ang pintig ng puso ko
Hirap ko mang maamin sa'yo, oh
Ako ay nabihag mo