Curse One
Langit Lang
[Intro: Lux]
Alam mong hindi ko kayang sabihin sa'yo
Kung ano ang tunay kong nararamdaman
Hindi ko maipakita sa'yo nang harapan
Dahil sa alam kong hindi pa ito ang tamang panahon
Pero umaasa ko balang araw na matatanggap mo
At masasabi ko din sa'yo na mahal na mahal kita
Langit lang ang nakakaalam ng lahat
Langit lang, langit lang

[Verse 1: Curse One]
Masisisi mo ba 'ko, iniibig kita
Kahit alam kong malayong magkatotoo na
Mahalin mo rin ako't mahirap mang umasa
Sana'y may kakayanan lang ako
Na pahintuin ang pagtakbo
Ng oras at ang pag-ikot ng mundo
At nang malayang maamin sa'yo
Gusto kita mula pa nung umpisa
Kahit taon pa ang namamagitan sa'ting dalawa
Alam kong wala pa sa isipan mo ang mga bagay na 'to
(Langit lang) Kahit ako'y mag-isa
'Wag mo na kong alalahanin pa
Alam ko na madami kapang makikilalang
Mas hihigit pa sa'kin, minamahal kita, kahit
[Chorus: Aprhyl & Kejs]
Langit lang ang nakakaalam
Ng nilalaman ng puso ko, himig ng damdamin
Kung malaya ka na (Kung malaya ka lang)
At handa mong pakiramdaman
Ang pag-ibig na tahimik lang
Sa pagmamahal mo ay nangungulila

[Verse 2: Aprhyl]
Pinagmamasdan ko ang ulang pumapatak
Kasabay ng bagyo sa loob ng damdamin ko
Kailan kaya titila, tila hindi na ako
Mapakali, makatabi, mayakap ka't makahalik
Sa puso mo, puso kong sabik sa pag-ibig mo
Narinig mo ang himig ng damdamin ko, tinig na naglalaro
Na ang kahuluga'y ikaw sana (Sana)
Kahit malabo na 'yong matanaw
Dahil ramdam ko na ang nararamdaman ko'y
Hidi mananalo buhat pa nang umpisa
Umaasa pa rin ako, makakamit ko rin
Ang pagmamahal mo kahit sa

[Chorus: Aprhyl & Kejs]
Langit lang ang nakakaalam
Ng nilalaman ng puso ko, himig ng damdamin
Kung malaya ka na (Kung malaya ka lang)
At handa mong pakiramdaman
Ang pag-ibig na tahimik lang
Sa pagmamahal mo ay nangungulila
[Verse 3: Lux]
Sa pa'nong paraan dapat ko ba idaan?
Dapat ko ba tandaan? Dapat ko ba ilaan?
Dapat ko bang handaan para lang mapagbigyan?
Kahit na alam ko na hindi pa binabalik ang panahon
Na kasama kita no'n na walang iniisip na pagkatalo
At ang tanging dahilan para lang malampasan
Ay matamasa ang matamis na oo
Nang isang kagaya mo na pwede kong tawagin
Sa panahon na kailangan kitang makasama
Iniisip, madali lang makabawi sa lungkot
At pighati kapag ikaw ang nakikita
Hindi ko maiwasan umiyak at ang luha sa mata ko ay tiyak
Unting-unting papatak sa lupa at magsisilbing
Matamis na alaala, larawan na kupas hanggang sa paglipas
Ng panahon sa medalyon ko'y angkas ka
Laging masdan ka, pinipilit na makuha ka
Ngunit bakit ba gano'n parang 'di ka totoo
Parang pangalang inukit sa kawayan
Hindi alam kung ano ba ang katibayan
Sa pagharap sa salamin doon ko nalaman
Na hindi lahat ng bagay na nasisilayan
Mo ay totoo at dapat mong paniwalaan
Dahil langit lang, oo, ang langit Lang
Ang nakakaalam ng totoo
[Chorus: Aprhyl & Kej's]
Langit lang ang nakakaalam
Ng nilalaman ng puso ko, himig ng damdamin
Kung malaya ka na (Kung malaya ka lang)
At handa mong pakiramdaman
Ang pag-ibig na tahimik lang
Sa pagmamahal mo ay nangungulila

[Verse 4: Kejs]
Maligaya 'pag pinapasabik talaga ng tadhana ang pag-ibig
'Yung tipong hindi mo malaman, ba't maraming kalaban?
Pero balewala lang dahil nagbubulag-bulagan
Ang mga mata sa'king mga nakikita
Imposible na mangyari talaga ang mga hinahangad ko
Labis-labis na nasasabik ako sa'yong pag-ibig
Ang tanging nais na mapasa'kin ka
At ako ang nakayakap sa'yong bisig
Pero sadyang merong pumipigil sa'ting mga labi na itigil
Matagal ko nang gustong pagtapat
Para sa akin, ikaw ang lahat-lahat

[Chorus: Aprhyl & Kejs]
Langit lang ang nakakaalam
Ng nilalaman ng puso ko, himig ng damdamin
Kung malaya ka na (Kung malaya ka lang)
At handa mong pakiramdaman
Ang pag-ibig na tahimik lang
Sa pagmamahal mo ay nangungulila

[Verse 5: Vlync]
Muntik ko nang wakasan ang mundo ng pag-ibig
Sa kadahilanang babagsak ng mga suliranin
Hindi sa hindi ko kayang gampanan ang pag-aalagang kailangan mo rin
Alam mong hindi ko kayang matiis kung maghiwalay pa tayo mabilis
Lang ang aking paghihintay ay talagang may sasablay
Hay, buhay, tablan man nang mga pamatay na pagsubok
Ayy, hintay, hintay ka lang kung kailan muling matutusok
Ng pana ni Kupido, ang puso kong bihag at alipin mo
Aaminin ko sadyang nagtampo
Lamang ang damdamin ko sa'yo na tanging langit lang
Ang siyang naging saksi sa lahat ng pighati
At alam kong sisikat din muli ang araw
Araw kitang makakasama sa lugar na puro ginhawa lang
Ang pwedeng matamo nating dalawa
Ako'y atat na, masabi sa'yo na
Ako ay nagbalik na kahit na dati pa

[Chorus: Aprhyl & Kejs]
Langit lang ang nakakaalam
Ng nilalaman ng puso ko, himig ng damdamin
Kung malaya ka na (Kung malaya ka lang)
At handa mong pakiramdaman
Ang pag-ibig na tahimik lang
Sa pagmamahal mo ay nangungulila