Curse One
Sa Gitna Ng Ulan
[Refrain: Smugglaz & Curse One, Smugglaz, Curse One]
Hindi ka kawalan sa akin, pakiusap lang
Tama na, tumigil ka, hindi na kita mahal
Wala man ako sa piling mo
'Eto masaya pa din naman ako
Makausap man kita
'Wag mo na tatanungin sa'kin
Kung pepwede pa ba?
'Di na pwede pa
Ikaw kasi, ayoko na sa'yo

[Spoken Intro: Curse One, Smugglaz, Vlync, Curse One & Smugglaz]
"Aba okay 'yun, ah"
"Oo nga, eh"
"Gawin na nating kanta, Curse, ikaw, Vlync"
"Oo gawan na nating kanta, Smugg"
"Sakto may J.E. beats ako"
"Oo nga 'no"
"Pwede ba?"
"'Di na pwede eh"
"Bakit naman?"
"Basta 'di na pwede"
"Sinayang niya eh, sinayang niya"

[Intro: Curse One]
Ooh-woah, ooh-woah, ooh-oh
Oh, ooh-woah, ooh-woah, ooh-woah
[Verse 1: Curse One]
Kabigha-bighani ang mga pangyayari
Sa buhay ko nang dumating ka na
Oras ko'y ang bilis na ng takbo, ooh-woah, ooh-woah, oh
Unti-unti nang nawalan ng sigla habang tumatagal ang panahon tila
Ang lamig mo na sa'kin, ayaw mo na sa'kin, 'di nagkatotoo 'yon
Hiniling natin nung may dumaan na tala
Sa ating dalawa iniwan mo akong luhaan, sakit na naramdaman
Ngayon umasa kang wala ka nang babalikan

[Chorus: Curse One]
Sa gitna ng ulan
Kinausap mo ako at sabi mo
Ang sigaw ng puso mo ay ako, mahal
Sabik sa piling mo, binibini ko, totoo
Titigan mo ang aking mata
Mahal pa din kita, kaso 'di na pwede pa

[Verse 2: Smugglaz]
Pagkatapos matapos maubos at maibuhos lahat ng sa'kin sa'yo
Muli kang babalik kung kailan masaya na 'ko at limot na ang mga dulot mo
Mga sakit ng dulot ng nakaraang kabaliwan
Matuturing na ngayo'y tinatawanan ko na lang
Sayang at 'di ako nakasabay sa'yo
Sa larong pinagbidahan mo't pinagbidahan ko
'Kala ko pa naman ay ikaw na, katangahang ibigin ka
'Yan ang tangi kong nalaman, mula nang aking malaman na 'di tayo para sa isa't isa
Matapos mong lasunin ang damdamin ay
Sasabihin mong ako'y mahal mo
Kaya ko pa namang umibig
At muli sanang magpatawad, kaso ay hindi sa'yo
[Chorus: Curse One]
Sa gitna ng ulan
Kinausap mo ako at sabi mo
Ang sigaw ng puso mo ay ako, mahal
Sabik sa piling mo, binibini ko, totoo
Titigan mo ang aking mata
Mahal pa din kita, kaso 'di na pwede pa

[Verse 3: Vlync]
Isang lingon na lang para ika'y makalimutan na
Wala naman sa'ting hadlang, sadyang pinabayaan lang
Ang lahat nama'y nilaan ko para lang sa'yo
'Yan na ang una at huling malaking pagkakamali ko na nagawa
Tila ba ang pangarap ko'y biglang nag-iba pero kahit na magbalik ka pa
Ang tanging sigaw ng puso, hindi na pwede pa

[Chorus: Curse One]
Sa gitna ng ulan
Kinausap mo ako at sabi mo
Ang sigaw ng puso mo ay ako, mahal
Sabik sa piling mo, binibini ko, totoo
Titigan mo ang aking mata
Mahal pa din kita, kaso 'di na pwede pa

[Refrain: Curse One, Smugglaz]
Sa gitna ng ulan
Hindi ka kawalan sa akin, pakiusap lang
Tama na, tumigil ka, hindi na kita mahal
Wala man ako sa piling mo
'Eto masaya pa din naman ako
Makausap man kita
'Wag mo na tatanungin sa'kin
Kung pepwede pa ba?
'Di na pwede pa
Ikaw kasi, ayoko na sa'yo