Curse One
Hanggang Kailan
[Verse 1: Kawayan]
'Di ba ang sabi ko sa'yo noon ay kaya
Kitang tanggapin at mahalin maging sino ka man
At ano man ang mga nakahiligang gawin mo
Ay alam mong wala akong balak pakialaman, 'di ba?
Pero bigla kang bumitaw ng mga salitang patapos
Na siya naman sinandalan ko ng lubos
Hindi man lang nagdalawang isip, agad napakapit
Sa kasinungalingan pala ako nakagapos
Tapos ako ay napaniwala, naniwala ako
Na nagawa ko ngang baguhin ang katulad mo
Pero hindi ko lang alam kapag sa aking likuran
Ayan ka na naman sa gawain mo
Ba't naglilihim ika'y malaya sa lahat at binigay lahat
At nagtiwala lang sa'yong pagtatapat
Pero mukhang 'di pa sapat ang isang pakiusap
Ba't ba lagi mong nalalabag?
Pero narito pa rin ako sa'yo
Ni isang hakbang 'di magawang lumayo
Minsan naisipang makipaglaro na lang
Pero ayaw ng puso, ako'y duwag
Duwag, 'di makapalag, 'di makakalag sa iyo, ooh-woah
Hanggang kailan kaya
Hanggang kailan kaya pagbibigyan ako ng puso mo
Naaabuso mo na ang pag-ibig ko, oh-oh
Hanggang kailan, hanggang kailan
Hanggang kailan, hanggang kailan, kailan
Hanggang kailan, hanggang kailan
Hanggang kailan, hanggang kailan
[Chorus: Jhanelle]
Hanggang kailan ako sa'yo maghihintay
Nakakapagod umasa na ika'y magbabago
Ang sakit sa damdamin, 'di na kayang itago
Tama na, labis na akong nasasaktan
Walang hangganang pangako
'Di ka ba napapagod na ako'y pahirapan?
Nais ko'y kasagutan hanggang kailan

[Verse 2: Flickt One]
Pagod na magkabilaan kong mata
Ganito ba talaga ako katanga?
Para hindi ko isipin na wala na akong halaga
Masakit sa'king damdamin ang lagi natin na pagtatalo
Wala akong magawa, lagi ka naman 'di bang panalo?
Hirap na 'ko sa sitwasyon nating dalawa
Kailan mo ba matututunang magbago?
Hangga't nandito ka sa'king piling
Asahang mananatiling, pangalan mo ang sinisigaw
Ng puso kong naligaw ng landas dahil ikaw
Ang dahilan ko at rason upang 'di ako bumitaw
Kaya pakinggan mo ang sigaw ng puso ko
Na kahit ano man ang mangyari sa ating dalawa
Maghihintay ako na bumalik sa'kin ang dating ikaw

[Chorus: Jhanelle]
Hanggang kailan ako sa'yo maghihintay
Nakakapagod umasa na ika'y magbabago
Ang sakit sa damdamin, 'di na kayang itago
Tama na, labis na akong nasasaktan
Walang hangganang pangako
'Di ka ba napapagod na ako'y pahirapan?
Nais ko'y kasagutan hanggang kailan
[Verse 3: Jhanelle]
Kailanma'y 'di ako humiling ng kung ano sa'yo
Ilang taon na'ng nagdaan na tila 'di mo na natandaan
Ang mga pangako mo na para sa'kin magbabago, ba't naglaho?
Meron na bang ibang laman ang iyong puso?
Sana sa'kin ay lumapit at sabihin mo sa akin
Kung minamahal ako, 'wag naman sanang paasahin
Meron ba akong pagkukulang, ba't 'di mo makuhang
Baguhin ang nakasanayan mong maling gawi?
Kung sakali man na pagbigyan kitang muli
Sana'y bukal sa kalooban mong itama ang mali
Matagal mang naghintay at masakit na para sa'kin
Ngunit 'di ko hahayaan na mawala ka sa aking piling
Ilang ulit ko mang sabihin na nagsasawa
Napapagod man ako dahil sa'yo
Ay hindi ko naman kaya iwanan ka dahil mahal kita
Ngunit 'di ko maiwasan ang mapaluha
Sa t'wing ako'y 'di mo binibigyan ng halaga
Ang mga panahon na dapat sa'ting dalawa
Inilaan mo sa iba, gayo'n pa man mahal kita
At 'di na 'yon mag-iiba
Kaya 'di na sana, paabutin pa sa punto na
Ako ang magbago dahil hindi mo na maibabalik
Ang lahat ng meron tayo ngayon

[Chorus: Jhanelle]
Hanggang kailan ako sa'yo maghihintay
Nakakapagod umasa na ika'y magbabago
Ang sakit sa damdamin, 'di na kayang itago
Tama na, labis na akong nasasaktan
Walang hangganang pangako
'Di ka ba napapagod na ako'y pahirapan?
Nais ko'y kasagutan hanggang kailan
[Verse 4: Lil Ron]
Ang daming katanungang walang kasagutan
Hanggang kailan ba puso ko'y masasagutan?
'Di ko mapigilan luha'y 'di punasan
Aking nilalabanan sakit na naranasan
Ano ang dahilan, gusto kong malaman
'Di mo ba maramdaman, ako'y nahihirapan
Kailan ba talaga, magbabago ka pa ba?
Wala na ba talaga, halaga pagmamahalan nating dalawa
Tila para bang nilimot, walang mahanap na iba
Kahit aking ilibot ang mga mata pansin mo ba
Ang pagluha ginawa naman lahat pero hindi pa rin makuha
Ang kaligayahan na gusto kong makamit
Pero bakit sa'kin ay pilit mong pinagkait
Pilit kong tinitiis, tahimik na nagpapanggap
Mga halik at yakap mo na hindi ko na malasap
Nasa'n na, nasaan na nga ba tayo?
Ayaw ko nang makinig pa ng mga payo
Ng mga kaibigan ko na sinasabi na
Maghanap na ng iba at palitan ka na
Pero kahit na gano'n ay 'di ko sinunod
Dahil kwento nating dalawa, ayaw kong ibuod
Gusto kong ituloy at maging maayos
Dahil 'di ko hahayaan na dito magtapos
Ang pagmamahalang pinaglaban ko nang kay tagal
Masisisi ba ako kung sa'yo'y napamahal?
Kahit gaano katagal ay handa akong maghintay
Na hindi mo na muling bitawan ang aking kamay
Bakit 'di ba makuntento, 'di pa ba sapat?
Kinakaya ko naman para sa'yo ang lahat
Sana sa mga dalangin ko ay merong matupad
Ang mapabuti ka, 'yun lang naman ang tangi kong hangad

[Chorus: Jhanelle]
Hanggang kailan ako sa'yo maghihintay
Nakakapagod umasa na ika'y magbabago
Ang sakit sa damdamin, 'di na kayang itago
Tama na, labis na akong nasasaktan
Walang hangganang pangako
'Di ka ba napapagod na ako'y pahirapan?
Nais ko'y kasagutan hanggang kailan

[Verse 5: Curse One]
Pinipilit kong sabihin sa sarili ko na ikaw ay kalimutan ko na
Ngunit ang puso ko'y patuloy na umiibig pa sa'yo
Ikaw ang tibok nito
Maalala mo sana na nandito lang ako (Laging nag-aabang)
Para lang sa'yo (Kahit nananabang)
Ka na, mahal, nanlalamig
At kung minsan 'di na kita maintindihan
Hanggang kailan mo ba pasasakitan
Ang pusong ito? (Hanggang kailan, hanggang kailan)
Pagod na sa pagtiis sa lagi mong pag-alis
Mata'y 'di ko na mapigil sa pagluha pero ayos lang
Dahil mahal kita, 'di ako bibitaw
Sa pag-asang maging ako at ikaw
Hanggang sa dulo ng walang hangganan
Bumalik na sana 'yung init ng yakap mo

[Chorus: Jhanelle]
Hanggang kailan ako sa'yo maghihintay
Nakakapagod umasa na ika'y magbabago
Ang sakit sa damdamin, 'di na kayang itago
Tama na, labis na akong nasasaktan
Walang hangganang pangako
'Di ka ba napapagod na ako'y pahirapan?
Nais ko'y kasagutan hanggang kailan