Curse One
Aking Hiling
[Chorus: Curse One with Bei]
Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nand'yan ka, 'di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan, habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin, "Ikaw lang ang aking hiling"

[Verse 1: Flict G]
'Di ko akalain na makikilala ko ang dalagang nagpatibok ng puso ng isang binata
At bigla na lang napalunok, napatameme, nabulaga para bang hinele, natulala
Nang papalapit ka sa akin, jusko para kang anghel na ibinaba
Ng langit para mahalin ng taga-lupang tulad ko na 'di mo ka-level
Ang pagitan nating dalawa ay mas malayo pa sa magkabilang dulo ng "Torre de Babel"
'Pagkat ikaw ay isang diwatang mas makislap pa sa mga tala
Pagpasensyahan mo na lang ang mga salita, ito'y labis na paghanga
'Di ko maipaliwanag ang nadarama sa t'wing magkasama tayong dalawa
Walang bagay na makakasukat sa mundong ito kung ga'no ka ba kahalaga
'Pagkat buong araw ko ay kumpleto na, sa ngiti mo pa lang kuntento na
Kung pag-ibig mo ay naging rebolusyon, handang punitin ang sedula
Handang dumalaw sa bawat araw, ikaw na nga raw hanggang pumanaw
Walang kaagaw sa puso ko, daig pa ang kayamanang hindi mananakaw
Akalain mo, 'kala 'ko ay panaginip lang ang mga 'to
Kung sino pa talaga 'yung 'di mo inasahang makilala
'Yun pa 'yung babago ng buhay mo

[Chorus: Curse One with Bei]
Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nand'yan ka, 'di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan, habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin, "Ikaw lang ang aking hiling"
[Verse 2: Curse One]
Sa milyong-milyong tala, kahit hindi na mapansin ang hiling ko
Hinding-hindi ako magsasawa na, abangan ang pagdating mo
Sa buhay ko na ikaw na lang ang kulang kung sa puso na pag-ibig lamang ang lulan
Ang katulad mo lamang ang may kakayanang makapagtanggol sa'kin hangad kong makatuluyan
Nanatili na sa isip, damdamin ko na 'di matahimik
Nakatingala sa mga bituin, sana'y magising ako sa magandang panaginip
Magkatotoo na mabago ang mundo, dahil 'di ko na alam kung sa papa'nong paraan pa
Dikit sana ng kalawakan ang sigaw nito nadarama na makamtan ka
At sana sa'kin ikaw ay itadhana, 'di sasayangin ang pagpapala
Hanggang sa pagtunog ng kampana, makasama sa dambana hanggang sa harap ng altar, oh-oh
At sa hardin may umaawit na mga sagradong anghel
Ikaw ang kalma sa bawat bagyo, ako'y nahimlay sa mala-dyosa mong ganda
Napakagaan sa pakiramdam tuwing napapagmasdan ko ang kinabukasan sa maamo mong mata
Tamis sa ngiti may liwanag dahilan na babangon
Para tuparin ang mga pangarap, inspirasyon at destinasyon
Ikaw ang aking masaya at masaganang tahanan
Mm-mm, mm-mm, woah, ooh-woah (Woah, ooh-woah)
Mm-mm, mm-mm, woah, ooh-woah (Woah, ooh-woah)

[Chorus: Curse One with Bei]
Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nand'yan ka, 'di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan, habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako'y tatanungin sasambitin, "Ikaw lang ang aking hiling"
[Bridge: Curse One, Flict G, Both]
Gusto ko lang malaman mo, kahit mundo natin ay magkaiba
Palaging hangad sana puso natin ay magkaisa
Malayo ma'y malapit lang, langit at lupa'y kayang tawirin, sinta
Walang kahapon ang makapagdidikta
Sa magandang kinabukasan nating dalawa
Ikaw at ako, wala nang iba, iniibig kita
Sana palagi mong tatandaan
Ngayon, bukas hanggang sa dulo ng walang hanggan