Curse One
Tiwala
[Chorus: Kejs]
Alam kong nagkamali ako, nagkamali ako
Nagkamali ako sa'yo, 'di ko naman sinasadya
Sana'y mapatawad mo at sana'y bigyan mo pa
Nang pagkakataon na makabawi ako sa'yo
At muling maibalik ang tiwala mo, yeah, ang tiwala mo
Muling maibalik ang tiwala mo

[Verse 1: Slick One]
Hindi ko na mababawi mga sandali at panahon na sa iyo'y nagkamali at puro pasakit
Puso ko ay dinudurog na unti-unti sa pagnanais ko lang na magkabati
At 'di ka na muling pang sasaktan, handang ibalik sa'yo
Lahat ng oras na hindi mo hiningi sa'kin at kusang binibigay ko ang lahat
Lahat naman ng mga bagay na hiniling ko sa iyo ay agad-agad tinutupad mo
Sadyang magulo lang ang isipan ko ng mga panahong 'yon
Mga pangako sa isa't isa mula nung makita kita, hindi pa rin nagbabago
Mukhang tanga kong iniisip ka kung magbabalik pa ba 'ko ay
Muli mong bubuksan ang pinto mga panahon na oras natin ay ginto
Ikaw lamang ang nagpapasaya sa aking mundo
Ngunit wala na ang iyong tiwala, yeah
Saan na napadpad ang tiwala mo, mahal?

[Chorus: Kejs]
Alam kong nagkamali ako, nagkamali ako
Nagkamali ako sa'yo, 'di ko naman sinasadya
Sana'y mapatawad mo at sana'y bigyan mo pa
Nang pagkakataon na makabawi ako sa'yo
At muling maibalik ang tiwala mo, yeah, ang tiwala mo
Muling maibalik ang tiwala mo
[Verse 2: Kejs, Curse One]
Sana'y patawarin mo na ang katulad ko, woah, ooh
Pinagsisisihan ko lahat ng mga kasalanan ko sa'yo
Sabihin mo sa'kin, ano ba ang kailangan kong gawin?
Para lang malaman mo, lahat ng ito ay totoo
Ang nais ko lang ay muling maibalik
Ang tiwala mo, mahal, ah-ah (Ibalik, ibalik)
Ang tiwala mo, mahal, ah-ah (Ibalik, ibalik)
Ang tiwala mo, mahal, ah-ah (Ibalik, ibalik)
Ang tiwala mo, mahal, oh-woah (Ibalik, ooh)

[Chorus: Kejs]
Alam kong nagkamali ako, nagkamali ako
Nagkamali ako sa'yo, 'di ko naman sinasadya
Sana'y mapatawad mo at sana'y bigyan mo pa
Nang pagkakataon na makabawi ako sa'yo
At muling maibalik ang tiwala mo, yeah, ang tiwala mo
Muling maibalik ang tiwala mo

[Verse 3: Lux, Curse One]
Sana'y mapatawad mo, sana'y mapatawad mo ako
Sa mga kasalanan ko, hindi ko akala na masasaktan ko ang tulad mo
Ang puso mo ay nasugutan nang grabe, oh, grabe at ang dami
Ang dami mong nabalitaan sa akin, hindi mo man aminin ang saloobin ko ngayon
Darating ang panahon, malalaman mo kung bakit ang puso ko sa iba na nga lumingon
Dahil sa naging panatag ang sarili ko, alam kong hindi mo kayang iwanan ang katulad ko
Tinitiis ang bawat sandaling parang dinadaan-daanan lang kita, ang utak mo'y gulong-gulo
Halos 'di ko na mabilang ang mga kasalanang patuloy kong ginagawa
Hindi mo inaasahan na dito na pala magtatapos ang relasyon nating dalawa na kay tagal nating iningatan
Patawarin mo sana ako, alam kong mali ito pero pinipilit ko
Sana paggising ko bukas ng umaga ay nand'yan ka na sa'king tabi, ikaw pa rin at wala pa ring pinagbago
Ooh, at ang lahat ay nasa ayos na, salamat sa tiwala mo