Curse One
Laging Nasa Piling Mo
Oh, woh, woh, Ooooh
Wowowoh, Oh yeah. Oohh

Mahal kita, kahit ano pa ang mangyari satin
Hindi mo na kailangan pang pansinin
Ang mga maliit na bagay na pilit naglalayo sa atin
Salamat dun sapagkat hindi ka nagpapadala sa anomang suliranin
Kaya sobrang ganda ang mabuhay
Lalo na ikaw ang dahilan ko
Kung bakit nandito ako sa mundo
Na puno ng saya, salamat talaga
Dahil sayo, kahit alanganin ang lagay
Kahit minsan hindi mapalagay
Ang dibdib mo basta't isipin mo nandito lang ako
Pagkat ikaw lang ang nagmahal sakin ng ganito...

Hindi mo na kailangan magdalawang isip pa (isip pa)
Sakin, kasi alam mong minamahal kita. (minamahal kita)
Lagi kang nasa puso ko, san man ako magpunta
Dala-dala ko ang pag-ibig mo
Asahan mong ako'y Laging Nasa Piling Mo...

Kahit lagi ka nalang nagtatampo at ako
Ay tila ba nananahimik nalang
Ay ayos lang (ay ayos lang) wala sakin yon
Ang mahalaga tayong dalawa ay masaya
Hawak ang pangarap natin para sa isa't-isa
Ikaw at ako, walang dulo ng mundo
Na pwedeng humarang sa pagmamahalan natin
Pag-ibig ang syang namamagitan satin
Kaya wala kang dapat ipag-alala
Ako'y Laging Nasa Piling Mo...
Hindi mo na kailangan magdalawang isip pa (isip pa)
Sakin, kasi alam mong minamahal kita. (minamahal kita)
Lagi kang nasa puso ko, san man ako magpunta
Dala-dala ko ang pag-ibig mo
Asahan mong ako'y Laging Nasa Piling Mo...

Oohhwowh, Hoohh, Ooohh yeahh!
Laging nasa piling mo...

Diba alam mo namang hindi ko magagawang
Iwanan ang isang katulad mo sa anomang
Pagsubok na dumating sating dalawa
Alam kong mahirap ang mabuhay pero hindi ko dama
Ang pasakit ng mundo, dahil sayo
Makasama lang kita lahat ay iindahin ko
Anomang hilingin mo, mahal pipilitin kong gawin
Kung may pagpipilian man, ikaw pa rin
Ang pipiliin ko sa kabila nang lahat
Pagmamahal ko sayo, walang makakatapat
Sapagkat ikaw ang hulog sakin ng itaas
Ikaw ang syang nagbigay ng lakas
Nang lakas ng loob at hangin sa paghinga, paghinga
Ikaw ang laman sa bawat pahina, pahina
Istorya ng pag-ibig na hindi magtatapos
Hanggang sa kabilang buhay, mamahalin kita ng taos...
Hindi mo na kailangan magdalawang isip pa (isip pa)
Sakin, kasi alam mong minamahal kita. (minamahal kita)
Lagi kang nasa puso ko, san man ako magpunta
Dala-dala ko ang pag-ibig mo
Asahan mong ako'y Laging Nasa Piling Mo
Powered by Rubicon Project