Curse One
Ligaw Tingin
[Verse 1]
'Di ko man ninais na magustuhan kita
Sa paningin ko, ikaw ay sobrang ganda
Isa kang diwatang nakakapukaw ng mata
Sa lakas ng dating mo sa'kin 'di ka maalis sa isipan ko
Ako ay nabihag mo nang 'di sinasadya
Kung pwede nga lang sana ikaw ay sa'kin na lang
Kaso hindi 'ata pwede
Dahil masyadong mataas ang katulad mo
Kaya hanggang ligaw tingin na lang ako sa'yo
At kung sasabihin ko man 'to sa'yo
Baka mapahiya lamang ako, kaya

[Chorus]
Hanggang ligaw tingin na lang ako sa'yo
Dahil 'di kita kayang abutin
Kuntento nang ikaw ay nakikita ko
Sa panaginip na lang kita mahahagkan
Hindi na bale, basta ikaw nasisilayan ko'y ayos na

[Verse 2]
Masilayan lang kita ay buo na ang araw ko
Lumiliwanag ang mundo
Mga larawan mo palagi ang tinitingnan ko
Lungkot ay napapawi napapalitan ng saya
'Pag magulo ang isipan ko, iyong tinutuwid
Sa makatuwid, ikaw ay gamot 'pag merong pighati
Na nararamdaman sana ay kapiling kita
Gagawin lahat para sa'yo kahit mahirap pa
Susungkitin ang mga bituin
Kahit na malabo na maabot ko 'to na para bang ikaw
Papa'no ko susundin ang sigaw
Ng pusong tinatanaw ay ang tulad mo
Eh hanggang dito na lang sa sulat ko
Kayang idaan ang damdaming nagsasabing ikaw
Ay sundan ko pero ang kausapin ka nang harapan ay 'di ko kaya
Pagpasensyahan mo na 'ko sana kahit
[Chorus]
Hanggang ligaw tingin na lang ako sa'yo
Dahil 'di kita kayang abutin
Kuntento nang ikaw ay nakikita ko
Sa panaginip na lang kita mahahagkan
Hindi na bale, basta ikaw nasisilayan ko'y ayos na

[Verse 3]
'Di ko lubos maisip kung bakit ako ay tinamaan sa'yo
Lalo na 'pag ikaw ay nakangiti, ang ganda ganda mong
Tingnan, pagmasdan, ang sarap mong yakapin, sinta
Ano man ang isuot mong damit ay 'yong nadadala
Kahit 'di kulay pink ay ang tamis mo sa mga mata ko
Walang halong green sa isip ko
Mukha mo ang laging nakikita ko
Ewan ko ba kung bakit ba nahulog na yata sa'yo
Ang puso kong 'to na lubos na nabighani sa tulad mo
Hindi ko akalain na ako ay iibig sa isang tulad mo
Ngunit pa'no ba, anong aking magagawa
Ako'y walang lakas ng loob

[Chorus]
Hanggang ligaw tingin na lang ako sa'yo
Dahil 'di kita kayang abutin
Kuntento nang ikaw ay nakikita ko
Sa panaginip na lang kita mahahagkan
Hindi na bale, basta ikaw nasisilayan ko'y ayos na