Curse One
Masaya Ako Sayo
[Verse 1: Curse One]
'Di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman
'Pag katabi kita, 'di ako makapagsalita
Pero 'di ibig sabihin no'n na ayaw kita at 'di kita gusto
Sadyang kumakaba lang ang damdamin ko
Gusto ko mang sabihin sa'yo
Pero ang lakas ng hiya ko, parang ewan lang
Binibini ng buhay ko, handa 'kong i-alay ang
Lahat sabihin mo lang at gagawin ko para lang sa'yo

[Chorus: Curse One]
Handa 'kong ibigay lahat ng sa'kin
Sa'yo 'di, 'di, 'di, di-di-di ko kayang mawala ka sa'kin
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Sana'y habang buhay ka nang makasama
'Pagkat masaya 'ko sa'yo

[Verse 2: Curse One]
Nag-iintay ng tala na daraan sa'king paningin
'Pagkat gusto kong humiling ng
Sana ang pinakatinatangi-tanging babae
Na sa akin nakapagdulot ng kakaiba
Sa'yo'y 'di na mawalay pa dahil baka
'Di ko kayanin 'to, ooh-woah
Ikaw ang siyang pinakamakislap na bituin para sa akin, sinta, oh
At ikaw din ang siyang nagsisilbing matamis na panaginip ko
[Chorus: Curse One]
Handa 'kong ibigay lahat ng sa'kin
Sa'yo 'di, 'di, 'di, di-di-di ko kayang mawala ka sa'kin
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Sana'y habang buhay ka nang makasama
'Pagkat masaya 'ko sa'yo

[Bridge: Yumi & Curse One]
Ikaw ang musikang naglalaro
Sa isipan ko, ooh-woah, ooh-woah
Ikaw ang siyang awit ko (Ang awit ko)
Sana ako'y dinggin mo

[Verse 3: Curse One]
Ako ay parang emo kung mag-drama
Sa'yo lang nadama sayang kakaiba
Kumbaga ikaw si Wendy, ako si Peter Pan
Sana'y sumama ka sa'kin do'n sa Neverland
Nang mapagsaluhan natin ang pag-iibigan
Na walang katapusan, walang hanggan
Ikaw ang nagbigay kabuluhan sa buhay ko
At ikaw ang siyang sa akin nagbigay kahulugan
Kung bakit ako ipinanganak ng magulang ko
Siguro nga ay para lamang ibigin ang isang
Binibini na nababalutan ng mga anghel sa paligid
At nagdudulot ng sayang nakakaparalisa
Nagpapasalamat ako sa itaas, dahil pinakilala ka Niya sa'kin
Sana ay 'di, 'di, 'di ka na Niya kunin sa'kin
Dahil 'di ko kakayanin
[Chorus: Curse One]
Handa 'kong ibigay lahat ng sa'kin
Sa'yo 'di, 'di, 'di, di-di-di ko kayang mawala ka sa'kin
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Sana'y habang buhay ka nang makasama
'Pagkat masaya 'ko sa'yo
Handa 'kong ibigay lahat ng sa'kin
Sa'yo 'di, 'di, 'di, di-di-di ko kayang mawala ka sa'kin
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Sana'y habang buhay ka nang makasama
'Pagkat masaya 'ko sa'yo

[Outro: Curse One]
Masaya 'ko sa'yo, masaya 'ko sa'yo