Ebe Dancel
Kung Ayaw Mo Na Sa Akin
[Verse 1]
Kung ayaw mo na sa akin
'Di na kita pipilitin
Kung buo na ang loob mo
Bahala ka na sa buhay mo
At 'di ako desperado
Sa walang kapantay na pag-ibig mo
Sa mga halik mong walang kasing tamis
Tubig ako at ikaw ay langis

[Chorus]
Kung hindi ka na babalik
Araw-araw na akong gigimik
Kung malayo ka na
Ay malaya na ako
Ngunit ang kahapon ko
Ay bihag pa rin ng alaala mo

[Verse 2]
Kung ayaw mo na sa akin 'di na kita hahabulin
Medyo bata pa naman ako, may mabibighani pa sa akin siguro
Kung ayaw mo na ako, leche, lalong ayoko sa 'yo
Alam mo naman kung saan ang bahay ko
Baka sakaling magbago ang isip mo, please?

[Chorus]
Kung hindi ka na babalik
Araw-araw na akong gigimik
Kung malayo ka na
Ay malaya na ako
Ngunit ang kahapon ko
Ay bihag pa rin ng alaala mo
[Bridge]
La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la
Ooh, la
Ooh, la
La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la
Hoh, wah
Hoh, wah

[Chorus]
Kung hindi ka na babalik
Araw-araw na akong gigimik
Kung malayo ka na
Ay malaya na ako
Ngunit ang kahapon ko
Ay bihag pa rin ng alaala mo
Ng alaala mo