Ebe Dancel
Tanging Kailangan
[Verse]
Kung maligaw sa galaw ng mundo
Hanapin mo ako
Kung nalulunod na sa ilog
Ako'y sagipin, ako'y languyin

[Refrain]
Narito ang puso ko
Pira-piraso ngunit iyo
Iyong iyo

[Chorus]
Sa mga bagay na hindi maipaliwanag
Sa 'king dilim ika'y maging liwanag
Di kailangan ng ginto
O paraiso'y ipangako
Ikaw lang ang tanging kailangan
Tanging kailangan

[Verse]
Linalakbay tulay ng lumbay
Tanggap ko mundo'y hindi perpekto
Katulad ko na natututo
Kahit mahirap, ako'y mangangarap

[Refrain]
Narito ang puso ko
Pira-piraso ngunit iyo
Iyong iyo
[Chorus]
Sa mga bagay na hindi maipaliwanag
Sa 'king dilim ika'y maging liwanag
Di kailangan ng ginto
Paraiso'y ipangako
Ikaw lang ang tanging kailangan

[Chorus]
Sa mga bagay na hindi maipaliwanag
Sa 'king dilim, ika'y maging liwanag
Di kailangan ng ginto
O paraiso'y ipangako
Ikaw lang ang tanging kailangan
Tanging kailangan

[Coda]
Narito ang puso ko
Pira-piraso ngunit iyo
Iyong iyo