Ebe Dancel
Manatili
[Talata]
Manatili ka sana sa aking tabi
Hindi tiyak ang gabi
Hiling ko hawakan mo ang aking kamay
Hangad ko ang iyong gabay

[Talata]
Dasal ko ay manatili
Sana ay laging nariyan ka
Kung madapa, mawala, maligaw
Ikaw ang aking ilaw

[Koro]
Hangad ko ang iyong gabay
Dasal ko ay
Yakapin mo ako sa gitna ng gulo
Bigyan ng pahinga ang pagod na puso
Hilumin ang sugat
Ang nasasadlak Iyong iangat

[Talata]
Dalangin ko'y
Manatili ka sana sa aking tabi
Kung ako'y magkamali
'Wag sukuan hangga't ito'y maitama
[Koro]
Hangad ko ang iyong gabay
Dasal ko ay
Yakapin mo ako sa gitna ng gulo
Bigyan ng pahinga ang pagod na puso
Hilumin ang sugat
Ang nasasadlak Iyong iangat

[Tulay]
Dalangin ko'y
Dalangin ko'y
Manatili ka sana sa aking tabi

[Coda]
Sa panahon ng kadiliman
'Wag mo muna sana akong iwan
Hangad ko ang iyong gabay
Sana ika'y manatili