Ebe Dancel
Cuida
[Verse 1]
Kung ako lang ang masusunod
Aakuhin ko ang 'yong pagod
'Di ka na muling luluha
Lahat ng 'yong dinadala, akin na

[Chorus]
Kung akin lang ang mundo
Ibibigay ko siya sa 'yo

[Verse 2]
Kung pag-aari ko lang ang lumbay
Itatago ko siya habang buhay
Wala nang inggit, wala nang galit
Paliligayahin kita bawat saglit

[Chorus]
Kung akin lang ang mundo
Ibibigay ko siya sa 'yo

[Verse 3]
Kung hawak ko lang ang panahon
Wala nang kahapon at bukas, meron lang ngayon
At nais kong maging saysay ng aking buhay
Ay bigyan ang iyo ng kulay
[Chorus]
Kung akin lang ang mundo
Ibibigay ko siya sa 'yo
Sa 'yo

[Outro]
Kung akin lang ang mundo
Kung akin lang ang mundo
Ibibigay ko siya sa 'yo