Ebe Dancel
Baka Sakali
[Verse 1]
Maaari kayang sukatin gamit lang ang aking mga paa
Itong distansya ng bawat minuto, ang agwat mula sa isa't isa
Subukang takbuhin pabalik

[Verse 2]
Maaari kayang balasahin gamit lang ang pasmadong mga kamay
Itong pagkakasunod-sunod ng mga araw at lahat ng lumipas, mabubuhay

[Pre-Chorus]
Subukang tumaya pang muli

[Chorus]
Baka sakali
Baka sakali
Baka sakali

[Verse 3]
Pagbigyan ang sariling malimot
Ang katotohanang 'di ka babalik
Pagbigyan ang sariling maniwala
Na baka sakali, tayo sa huli

[Verse 4]
Pagbigyan ang sariling malimot
Ang katotohanang 'di na babalik
Pagbigyan ang sariling maniwala
Na baka sakaling tayo sa huli
[Outro]
Na baka sakaling tayo sa huli
Baka sakaling tayo sa huli